Dito sa kalye ng lunsod ng Nuweba York, ay makakabili ka ng relong Rolex sa halagang 15 dolyares lamang. At sa kaalaman ng bawat taga Nuweba York ang mga relong ito ay hindi tunay na Rolex. Ang mga ito ay mga gawa-gawa lamang—mumurahing ginaya mula sa orihinal.
Mayroong mistulang ginaya lamang sa halos lahat ng bagay sa panahon ngayon. Ngunit mayroong isang bagay na hindi maaring gayahin at iyan ay ang tunay na espirituwalismo. Walang tunay na espirituwalismo ang maaring gayahin. Kilala ng Panginoon ang tunay na gawain ng kanyang sariling mga kamay—at hindi niya tatanggapin ang ginayang gawang-tao sa lahat ng kanyang banal na mga gawain. Bakit? Sapagkat di-maaari para sa isang tao na gayahin ang tunay na espirituwalismo. Iyan ay gawain ng Espiritu Santo lamang. Siya’y pirmihang kumikilos na gumagawa ng isang bagay na bago sa kanyang mga tao. At walang anumang paraan para sa atin na gayahin ang gawaing iyan.
Iyan ang malaking pagkakamali ng makabagong relihiyon. Inisip natin na kapag basta na lamang ibinahagi ang karunungan ng Kasulatan at prinsipyong biblikal sa mga tao, ay magiging espirituwal na sila. Ngunit ang katotohanan ay nanatiling—walang tao o institusyon ang may kapangyarihan na makagawa ng espirituwalismo kaninuman. Ang Espiritu Santo lamang ang gumagawa niyan.
Maliit na bahagi lamang ng Espiritu ng Diyos ay makikita sa atin. Iyan ang dahilan kung bakit ang tunay na espirituwal na mga tao ay madalang na nakatingin sa panlabas na patunay ng kanyang gawain. Sinabi ni Pablo, “Kaya’t ang paningin namin ay nakapako sa mga bgay na di nakikita, hindi sa nakikita. Sapagkat panandalian lamang ang mga bagay na nakikita, ngunit walang hanggan ang mga bagay na di nakikita” (Corinto 4:18).
Sa susi ng kahulugan ng mensaheng ito, si Pablo ay nagpapahayag ng mga pagdurusa at mga kasawian. Sinasabi niya na, “Walang nakakaalam ng mga bagay na hinaharap natin, maliban sa Banal na Espiritu. At dito tunay na kung saan ang tunay na espirituwalismo ay ipinakikita—sa lusawan ng pagdurusa.”
Sa mga sumunod sa pangunguna ng Espiritu ng Diyos—na humaharap sa mga pagdurusa nagtitiwala na ang Panginoon ay kumikilos sa kanila—lumutang mula sa lusawan na may matatag na pananampalataya. At sila’y nagpatotoo na higit na tinuruan sila ng Espiritu sa panahon ng kanilang pagdurusa kaysa noong panahon na maayos ang lahat sa mga buhay nila.
Sa buong buhay ko na paglalakad kasama ang Panginoon, madalang kong makita na lumalago ang aking pagiging espirituwal sa panahon ng maayos na pamumuhay. Sa halip, ang anumang paglago ay madalas na nangyayari habang pinagtitiisan ko ang mga mahirap na kalagayan, mga pagtitiis, mga pagsubok—na ang lahat ng mga ito ay hinayaang ng Espiritu Santo na mangyari.
Sa isag punto ng kanyang paglalakad sa pananampalataya, sinabi ni Pablo, “Ang Espiritu Santo ay taimtim na nagpatunay sa akin na ang pagkakagapos at kapighatian ay naghihintay sa akin” (tingnan Gawa 20:21-22). Sa katunayan, sa kabuuan ng buhay ni Pablo, ang kanyang kapighatian ay hindi nawala. Patuloy itong dumadating
“Ang bahagya at panandaliang kapighatiang dinaranas ko ngayon ay magbubunga ng kaligayahang walang hanggan at walang katulad” (2 Corinto 4:17). Ayon kay Pablo, ang ating mga kapighatian at paghihirap ay magbubunga ng mahahalaga sa atin. Sinasabi niya, “ang paghihirap na dinaranas natin dito sa sanlibutan ay maaring mangyari sa atin habang buhay. Ngunit iyan ay panandalian lamang kumpara sa walang-hanggan. At sa sandaling ito, habang napagtitiisan natin ang mga kapighatian, pinagbubunga ng Diyos sa atin ang kapahayagan ng kanyang kaluwalhatian na magtatagal ng walang-hanggan.”