Huwebes, Disyembre 11, 2008

ANG KASALUKUYANG SALINLAHI AY WALANG NALALAMAN TUNGKOL SA PAGKAMATATAG

Ang magpakatatag ay nangangahulugan ng “ang magpatuloy kahit na dumaranas ng paghihirap; tahimik na nagdurusa at hindi sumusuko.” Sa madaling sabi. Nangangahulugan ito na kumapit o huwag bibitaw. Ngunit ang salitang ito ay walang ibig sabihin sa kasalukuyang salinlahi. Maraming Kristiyano ngayon ay madaling sumuko—iniiwan nila ang kanilang mga asawa, ang kanilang pamilya at ang kanilang Diyos.

Pinagtuunan ni Pedro ang paksang ito sa pamamagitan ng pagsasabi , “Sapagkat kalulugdan ng Diyos ang nagtitiis ng parusa kahit walang kasalanan, bilang pagsang-ayon sa kanyang kalooban” (1 Pedro 2:19). Pakatapos ay idinagdag niya, “Maipagkakapuri kaya ang magtiis ng parusa kung ito ay dahil sa paggawa ng masama? Hindi! Ngunit pagpapalain kayo ng Diyos kung kayo’y maparusahan sa paggawa ng mabuti. Ang pagtitiis ng hirap ay bahagi ng pagkahirang sa inyo ng Diyos; sapagkat nang si Kristo ay magtiis para sa inyo, binigyan niya kayo ng halimbawang dapat tularan. Hindi siya gumawa ng anumang kasalanan, o nagsinungaling kailanman. Nang siya’y alipustain, hindi siya gumanti. Nang siya’y pahirapan, hindi siya nagbanta. Nanalig siya sa Diyos na makatarungan” (1 Pedro 2:20-23).

Ipinag-utos ng apostol Pablo, “Magpakasakit ka, tulad ng isang mabuting kawal ni Kristo Hesus” (2 Timoteo 2:3). Sa huli, ibinigay ng Panginoon ang pangakong ito: “Ngunit ang manatiling tapat ay siyang maliligtas” (Mateo 24:13).

Tanong ko sa iyo—ano ang iyong pinagdudusahan? Ang iyo bang buhay may asawa ay magulo? Ang trabaho mo ba ay nasa krisis? Mayroon ka bang alitan sa isang kamag-anak, sa may-ari ng tinitirahan mo, isang kaibigan na nagtaksil sa iyo?

Kailangan huwag tayo mawalan ng pag-asa. Nakita mo, katulad ng pagdurusa ni Pablo na walang tigil, maging nang kanyang pahayag, ang kanyang kagulangan, ang kanyang malalim na pananalig, ang kanyang panatag na kapayapaan. Sinabi niya, “Kung ako ay magiging espirituwal—kung nais ko talagang malugod ang aking Panginoon—kung ganon ay hindi ko lalabanan ang aking katatayuan. Kakapit ako at hindi ako susuko. Walang anuman sa sanlibutang ito ang makapagbibigay sa akin na mga nakukuha ko sa Espiritu ng Diyos sa araw-araw ng aking pagsubok. Ginagawa niya akong espirituwal.

Ang buhay ni Pablo ay “humihinga” kasama ang Espiritu ni Kristo. At iyan din ang nangyayari sa bawat tunay na espirituwal na tao. Ibinubuhos ng Esiritu Santo sa kalooblooban ng lingkod ang makalangit na simoy ng Diyos. Ang taong ito ay hindi nawalan ng pag-asa; hindi siya bumubulong o nagrereklamo tungkol sa kalagayan niya. Maaring dumaraan siya sa pagsubok ng buhay niya, ngunit siya ay nakangiti pa rin—sapagkat alam niya na kumikilos ang Diyos sa kanya, ipinahahayag ang walang hanggang kaluwalhatian.