Huwebes, Mayo 12, 2011

BAGO MAKAMIT ANG TAGUMPAY

Kapag nakakaranas ka ng kalituhan, kirot, at pagdurusa, maaring ito ay ang Diyos ay kumikilos para sa iyo sa kanyang sariling pamamaraan. Ito ay kadalasang pinakamataas na gawain ng Diyos ang nagaganap na natatanging plano na siya lamang ang nakakaalam. Sa pamamagitan ng mga pagdurusa ng mga tao ng Diyos, siya ay kumikilos. Ang himala ang kasunod ng mga kalituhan.

Pag-aralan ang iyong Bibliya at matutuklasan mo na ito rin ang katulad na mga pangyayari sa mga buhay ng mga tao ng Diyos. Sa bawat kaso, kapag sinimulan na ng Diyos na tuparin ang kanyang pangako, mistulang ang bubong ang nauunang gumuho!

Alalahanin si Daniel at ang tatlong batang Hebreo. Inialay nila ang kanilang mga sarili sa buhay ng kabanalan at pagkakahiwalay sa sanlibutan at sa mga kaaliwan nito. Inilagak ni Daniel ang sarili para sa buhay ng pananalangin, mga luha, at pamamagitan, ngunit ano ang idinulot nito sa kanya at sa tatlo niyang kaibigang Hebreo? Pagsubok bago makamit ang tagumpay!

Hindi ka magtutungo galing sa lihim na silid ng panalanginan papunta sa tuktok ng tagumpay sa bundok—pupunta ka sa yungib ng mga leon. Hindi ka tutungo mula sa pagtatalaga sa madaling pamumuhay lamang—pupunta ka sa nag-aapoy na pugon. Ang mga lalaking ito ay hindi nangangamba na harapin ang kirot at pagdurusa, sapagkat alam nila na ito ay mauuwi sa sariling pamamaraan na ayon sa kalooban ng Diyos. Sa pamamagitan ng mga mababangis na leon at naglalagablab na pugon patungo sa ganap na kalooban ng Diyos!

Alalahanin si Elijah. Bingyan siya ng maluwalhating pangako ng Diyos ng isang espirituwal na paggising sa lupa; sa isang pagbuhos ng maraming ulan; isang bagong araw ng tagumpay para sa mga tao ng Diyos; at sa pagbagsak ni Ahab at Jezebel. Ngunit masdan ang lahat ng kalituhan na naganap pagkatapos na ibigay ang pangako. Pinagbantaan ni Jezebel ang buhay niya, tinugis siya sa kanyang pagtatago sa mga bundok. Ang mga masasamang puwersa ang pumatay sa mga propeta ng Diyos at ang kalupaan ay nagpatuloy sa kasamaan at tagtuyot. Sa katunayan, ang Salita ng Diyos ay mistulang parang isang panlilinlang lamang.

Mawawari mo ba kung gaano kalito si Elijah? “Anong uri ng sagot sa panalangin ang mga ito? Iniwan na akong nag-iisa. Nasaan ang Panginoon? Nabigo ba ang kanyang pangako?” Samantalang sa mga panahong iyon ay ginagampanan niya kung ano ang sinabi na gagawin niya. Ang kalituhan ay lilipas at ang kasagutan ay darating.

Nag-iwan si Cristo sa mga disipulo niya ng isang pangako na maaring magligtas sa kanila sa lahat ng kalituhan at kirot, ngunit sadyang bagsak sila sa kalungkutan para maalala ito. Sinabi niya sa kanila: “Ngunit pagkatapos na ako'y muling mabuhay, mauuna ako sa inyo sa Galilea” (Mateo 26:32).

Sa madaling sabi, “Huwag ka nang magpakahirap na alamin pa ang lahat ng ito. Huwag tanungin ang sandali ng kalituhan. Hindi mo ito laban. Kumikilos ang Diyos! Kapag ang lahat ng ito ay tapos na, ako ay pupunta pa rin sa harapan mo. Ang pastol mo ay naroroon pa rin.” Isang nakapagpapalakas ng loob na mga salita!