Lunes, Mayo 30, 2011

HINDI KAILANMAN TAYO BINIGO NG DIYOS

Anuman ang mangyari sa ekonomiya, anumang ang kagipitang ating hinaharap, anuman ang kalungkutan o kaguluhan ang dumating sa atin – ANG ATING PINAGPALANG PANGINOON ANG NANGUNGUNA AT NANGANGALAGA SA ATIN SA BAWAT HAKBANG.

Itinatwa din sa huli ng Diyos yaong kanyang iniligtas palabas ng Egipto, sapagkat sila ay nagduda at nilimitahan siya pagkatapos na sila ay palayawin sa kanyang mapagmahal na mga kamay. Hindi ito mistula lamang na nais ng Diyos na tayo ay magtiwala sa kanya sa panahon ng kagipitan – ipinag-uutos niya ito. Ito ang dahilan kung bakit ang Kasulatan ay matatag na nagbabala sa atin laban sa kawalan nang paniniwala. Sinabihan tayo na ipinagdadalamhati ng Panginoon at isinasara sa atin ang bawat pagpapala at mabuting gawa na kanyang ipinangako. Ang ating kawalan ng paniniwala ay “binale-wala” ang bawat pangako.

Para sa amin sa lunsod ng Nuweba York, hindi ito isang patay na teolohiya. Kailangang ipamuhay namin ang aming ipinangangaral para manatili sa bawat araw. Kung hindi kami lubusang nagtitiwala sa mga pangako ng Panginoon at umasa kay Jesus sa lahat ng nasa amin, kami ay maninigas sa takot at pagkasindak. Ang mga kalsada dito ay parang lugar ng digmaan; ang mga tao ay nabubuhay sa patuloy na takot at panganib, at ang mga istambay ay pinapatay kaliwa’t kanan. Ang halaga para mangalaga para doon sa aming pinagmiministeryuhan ay lubhang mabigat, at ang pangangailangan ng mga nagigipit na mga tao ay lubhang napakalaki. KUNG HINDI KAMI MAMAMAHINGA SA MATATAG NA MGA PANGAKO NG DIYOS, KAMI AY MADADAIG.

Ngunit hindi kami nadadaig – hindi kami natatakot. Habang lalong dumadami at lumalala ang mga suliranin, lumalago kaming malakas sa kapangyarihan ng Espiritu Santo.