Martes, Mayo 31, 2011

SI CRISTO AY NAGHAHARI!

Madalas ang mga tao ay sumusulat sa amin nagsasabi na, “Wala akong makausap na iba, walang mabahagian ng aking dalahin. Walang sinuman ang may panahon para makinig sa aking mga daing. Kailangan ko ng kasama na maari kong pagbuhusan ng laman ng puso ko.”

Si Haring David ay napaliligiran ng mga tao. Siya ay may asawa na may malaking pamilya, at maraming kasamahan sa kanyang tabi. Gayunman, nadidinig din natin ang katulad na hinaing maging kay David: “Kanino ako pupunta?” Ito ay nasa ating mismong kalikasan na hanapin ang isang tao, na may mukha, mata at tainga na makikinig sa atin at magpapayo sa atin.

Nang si Job ay napangibabawan ng kanyang mga pagsubok, tumangis siyang may kalungkutan: “Paniwalaan sana ang aking sinasabi, pagkat ito ay totoo, pawang walang pasubali, Diyos na rin ang makapagsasabi kung ang bintang ng kaaway ay isa-isang isusulat” (Job 31:35). Binigkas niya ang mga daing na ito habang nakaupo sa harap na sinasabing mga kaibigan niya. Gayunman ang mga kaibigang iyon ay walang simpatiya sa pagdurusa ni Job. Sa halip, sila ay tagapagdala ng kawalan ng pag-asa.

Sa kanyang kalungkutan, si Job ay sa Panginoon lamang tumingin: “Pagkat nasa langit ang sa akin ay sasaksi, na siyang magsasabi na tunay akong mabuti…Sa Diyos ko na idudulog itong aking katayuan” (Job 16:19-20). Sa Awit, hinikayat ni David ang mga tao ng Diyos na ganoon din ang gawin: “Sa lahat ng oras magtiwala sa Diyos; sa kanya ilagak ang inyong pasaning ngayo’y dinaranas; siya ang kublihang sa ati’y lulunas” (Awit 62:8) isinulat din ni David sa Awit 142:

Ako ay humingi ng tulong sa Diyos, ako ay dumaing, sa kanya’y lumuhog; ang aking dinala’y lahat kong hinaing, at ang sinabi ko’y pawang suliranin. Nang ako ay halos wala nang pag-asa, ang dapat kong gawi’y nalalaman niya. Sa landas ng aking pinagdaraanan, may handang patibong ang aking kaaway. Sa aking paligid, nang ako’y lumingon, wala ni isa man akong makatulong; wala kahit isa na magsasanggalang, ni magmalasakit na kahit sinuman. Ako ay humibik, kay Yahweh dumaing, sa Tagapagligtas, ako’y dumalangin; pagkat siya lamang ang lunas sa akin” (142:1-5)

Naniniwala ako na sa aking puso ang mensaheng ito ay isang paanyaya sa iyo mula sa Espiritu Santo na humanap ng isang pansariling lugar na kung saan ay maari mong ibuhos ang iyong kaluluwa sa Panginoon. Ibinuhos ni David ang kanyang reklamo at ikaw man ay ganon din. Maari kang makipag-usap kay Jesus tungkol sa kahit anong bagay – ang iyong mga suliranin, ang iyong pangkasalukuyang pagsubok, ang iyong pananalapi, ang iyong kalusugan – at sabihin sa kanya kung gaano ka nadadaig, maging kung gaano ka nawawalan ng pag-asa. Maririnig ka niya na may pagmamahal at habag, at hindi niya babale-walain ang iyong mga daing.

Sinagot ng Diyos si David. Sinagot niya si Job. At sa daan-daang taon sinagot niya ang daing ng mga puso ng lahat na nagtitiwala sa kanyang mga pangako. Kahalintulad, ipinangakao niya na diringgin ka niya at gagabayan ka. Katunayan, ipinangako niya sa pamamagitan ng pagsumpa na magiging lakas mo. Magtungo sa kanya, at ikaw ay lalabas na napagbago.