Martes, Mayo 24, 2011

ANG INYONG PAKIKIPAGLABAN AY SA PANGINOON (tingnan ang 2 Cronico 30;: 5)

Ang dahilan kung bakit isinusulat ko ito ay para paalalahanan kayo na ang pakikipaglaban na hinaharap ninyo ay hindi sa inyo, kundi ito ay sa Diyos. Kung kayo ay anak niya, makatitiyak kayo na si Satanas “ay magngangalit laban sa inyo.”

Sa 2 Cronico 20, marami ay galit laban sa mga tao ng Diyos. Ang Haring Josafat at ang kanyang mga tao ay itinalaga ang kanilang mga puso para hanapin ang Panginoon at mag-ayuno. Ang Hari ay dumaing sa Diyos ng isang panalangin na marami sa atin ay ipinanalangin sa ating espirituwal na paglalakbay: “Hindi naming kayang sagupain ang gayong karaming kaaway. Hindi naming malaman ang aming gagawin. Ikaw lamang ang aming pag-asa” (20:12). “Ang Espiritu nito’y bumaba sa gitna ng kongregasyon… sinasabi na, Huwag ninyong sirain ang inyong loob. Huwag kayong matakot dahil sa makapal na kaaway. Ito’y ipakikipaglaban niya para sa inyo” (20:14-15).

Ibinigay ni Isaias ang babalang ito sa lahat ng puwersa ng kadiliman: “Sino sa akala ninyo ang iyong inuyam at inaglahi? Nilapastangan mo ako, Ang kabanal-banalang Diyos ng Israel!” (Isaias 37:23).

Sinabi ng Diyos sa kanyang mga tao sa Israel, at sinasabi niya rin sa atin ngayon: “Ang pakikipaglaban ay hindi laban sa iyo. Ito ay ang pagngangalit ni Satanas laban sa akin, sa Panginoon na nananahan sa akin.” Sinabi ng Diyos kay Satanas, “Lahat mong gawain ay nababatid ko, di lingid sa akin anumang balak mo” (37:28).

Tanong ko sa iyo: nasaan ang pakikipaglaban mo? Sa inyong pagsasama bilang mag-asawa? Sa iyong negosyo o trabaho? Sa iyong pananalapi? Sa iyong kalusugan? Ang iyo bang pakikipaglaban ay lalong sumusidhi araw-araw? Kung mayroon kang puso para kay Jesus at pagnanais na kumapit sa kanya, haharapin mo ang galit ng impiyerno. Ngunit iyon ay hindi mo pa rin pakikipaglaban. Madali mong matatapos ang iyong pakikipaglaban kapag pinili mo – ay basta sumuko ka na at bumigay sa iyong takot at pagdududa. Hindi papansinin ni Satanas yaong mga nawalan na ng tiwala sa Panginoon.

Oo, ang pakikipaglaban ay sa Panginoon, ngunit mayroon tayong bahagi dito – at iyan ay ang magtiwala at manalig sa kanyang mga pangako sa harap ng kawalan ng pag-asa at sa mga bagay na mukhang di maari. “Israel, bakit ikaw ay nagrereklamo na tila di alintana ni Yahweh ang kabalisahan mo, at tila di pansin ang iyong kaapihan?” (Isaias 40:27).

Hinihingi ng pananampalataya na isuko ko ang lahat ng aking suliranin – lahat ng malubha kong kalalagayan, lahat ng aking mga takot, lahat ng aking mga pagkabagabag – sa kamay ng Panginoon. Kapag nagawa ko na ang lahat ng aking makakaya, at alam ko na ang aking pakikipaglaban ay higit sa aking kakayanan, kailangang ibigay ko na sa kanyang mga kamay.

Alam ng ating Panginoon ang pagngangalit ni Satanas, kailangan na tunay tayong maniwala na kikilos siya. Ililigtas niya tayo sa mga baha at mga apoy at hahabulin ang ating mga espirituwal na kaaway. Narito ang Salita ng Diyos tungkol sa kung ano ang gagawin niya: “Dahil sa galit mo’t paglaban sa akin at paghahambog mong hindi nalilihim, kaya ang ilong mo’y kakawitin ko at ang bibig mo’y lalagyan ng bokado at ibabalik ka sa pinanggalingan mo” (Isaias 37:29).

Kung maagpapakatatag ka sa iyong pananalig – nagtitiwala sa kanya, namamahinga sa kanyang mga pangako, iwinawaksi ang lahat ng kasinungalingan ni Satanas na pumapasok sa isipan mo – kung ganon ay umasa na ang Diyos ay darating sa pamamagitan ng kanyang Espiritu sa iyong kalagayan at magdadala ng hindi inaasahang pagtatapos ng iyong pakikipaglaban. Gagalawin niya ang langit at lupa para iligtas ka at para gumawa ng paraan. Ang daan palabas ay ang magtiwala, magtiwala! :”Maging pagbabaka ay mapatitigil” (Awit 46:9).