Biyernes, Mayo 6, 2011

HUMINTO AT INYONG ALAMIN

Pagkatapos ipahayag ng Salita sa atin na Diyos ang nagpapahinto sa labanan, ito ay idinagdag: Sinasabi niya, "Ihinto ang labanan,ako ang Diyos, dapat ninyong malaman, kataas-taasan sa lahat ng bansa, sa buong sanlibuta'y pinakadakila" (Mga Awit 46:10).

Ang salitang Hebreo para sa “ihinto” ay raphah, ito ay nangangahulugan na huminto; pabayaan ninyo; maging mahina, mukhang kawawa. Ito ay nagmula sa ugat na raphah, nangangahulugan na ayusin at maging isang buong muli sa mga kamay ng isang manggagamot.

Ang Salita ng Diyos ay ganap na masinsin. Pinahinto niya ang labanan hanggang sa matapos niya ang kanyang gawain, kailangang ihinto natin ang ating maka-sariling matuwid na pagsusumikap, ipagtiwala ang lahat sa kanyang mga kamay, ikumpisal ang ating mga kahinaan at pagiging mukhang kawawa, at ipagkatiwala ang ating hinaharap at panunumbalik sa mga kamay ni Cristo, ang ating Dakilang Manggagamot.

Minamahal kong mga mananampalataya, pinupunit ba ang iyong sarili ng sarili mong pangloob na pakikipaglaban? Maaring ikinakahon ka ni Satanas, ngunit hindi ka niya kayang saktan o puksain. Maaring ikaw ay hinuhubaran bilang paghahanda para sa isang malalim na pagpapahayag ng krus para ikaw ay maihanda para sa isang dakilang paglilingkod sa Diyos.

Katulad ka ni Pedro, hinubaran sa lahat ng bagay bago nagtungo sa Pentekostes. Tingnan ang dakilang taong ito ng Diyos na lumalaboy nang walang tiyak na patutunguhan sa burol ng Judea—bagsak na sa kanyang kalagayan. Minsan si Pedro ay naglakad sa tubig at tumulong na mahimalang nagpakain sa libu-libo. Naranasan niya ang tunay na kaluwalhatian ng Diyos at isang pinagpala, isang kinikilala, kagamit-gamit, isang mahal na lingkod ng Diyos. Ngunit siya ay nakahahambal na nagkasala, binigo ang Diyos na katulad ng iba, at pagkatapos, tumangis at nagdalamhati, iniisip na nawala ang kanyang kaligtasan at ang kanyang ministeryo.

“Ano ang nangyayari sa akin?” Maaring pauli-ulit niyang tanong sa sarili.”Bakit wala akong lakas o katatagan kapag ako ay natutukso? Bakit wala akong moral na paghahanda—walang lakas na iwaksi ang kalaban? Bakit ako pa ang bumagsak? Paanong ang isang tao ng Diyos ay makagawa ng isang kakila-kilabot na bagay sa kanyang Panginoon? Paano akong nakapangaral sa iba nang wala akong lakas sa isang kapighatian?”

Hindi ang Diyos ang dahilan ng kabiguan ni Pedro ngunit may mabuti itong ibinunga. Ito ay bahagi ng paghuhubad sa isang tao ng Diyos—pinayagan na maipahayag kung ano ang malalim na dinadala sa kalooban ng tao. Kabiguan lamang ang makapaglalantad ng pagmamataas at sariling-pagsusumikap. Kabiguan ang nakapagpabagsak kay Pedro, at ipinahayag sa kanya ang kanyang pangangailangan sa lubusang pagsandal sa kanyang Panginoon para sa lahat ng bagay, kasama na ang kanyang pagkadalisay at katuwiran.

Ito ay nasa anino ng krus na kaya nating makayanang paglabanan ang pinakamabigat na tukso at pagkatapos ay makabangon patungo sa panunumbalik!