Mapagmahal na asawa at ama, magiliw na lolo. Kaibigan ng mga patapon at nagdurusa. Walang takot na saksi ng makapangyarihang pagliligtas ni Cristo. Madamdaming tinig ng Diyos sa kanyang iglesya. May malambot na kaloobang tumutulong sa mga balo, mga ulila at mga mahihirap. Isang espirituwal na ama ng ibat-ibang salin-lahi—mula sa mga hampas lupa na salat sa buhay hanggang sa mga makakapangyarihan, mula sa mga matatanda hanggang sa mga kabataan, mula sa mga minamahal hanggang sa mga estranghero na mula sa ibat-ibang katayuan sa buhay.
Ang mga katangiang ito ang naglalarawan sa buhay ni David Wilkerson. Sa loob ng 6 na dekada naglingkod siya sa Panginoon ng buong katapatan at pinamunuan ang mga sangay na itinatag niya sa buong mundo na lumago sa bawat dekada. Sa likod ng lahat ng ito ay isang walang pag-aalinlangang paniniwala sa pag-ibig ng Diyos para sa bawat nilalang at ang kanyang walang humpay at walang sawa na abutin sila.
Si “Kuya Dave” na gusto niyang itawag sa kanya,” ay kinilala ng milyun-milyon sa kanyang walang hanggang pananampalataya. Naniwala siya na kayang baguhin ng Diyos ang buhay ng mga kabataang ligaw ng landas at mabago ang mga desperadong lulong sa mga ipinagbabawal na droga—at ito ay ginawa ng Panginoon. Naniniwala siya na isang masigasig na iglesya ay maitatatag sa gitna ng ‘Times Square’, sa lunsod ng Nuweba York—at ito ay naganap sa kalooban ng Diyos. Naniwala siya na magiging mapagmahal sa kanyang asawa at mapagmahal na ama sa kanyang mga anak at nagawa niya ito.
Si David Ray Wilkerson ay isinilang noong May 19, 1931, sa Hammond, Indiana,sa isang linya ng lahi ng mga debotong itinalagang mga Pentekostal na mga mangangaral. Mula ng siya ay naordina sa ‘Assemblies of God’, pinakasalan niya ang pag-ibig ng kanyang buhay—na si Gwendolyn Carosso, na makakatuwang niyang maglingkod sa ministeryo sa loob ng 57 taon.
Mula pa sa simula si ‘Kuya Dave’ ay gumamit ng mapanuklas, at makabagong pamamaraan sa ministeryo. Sa mga naunang pangangaral, minaneho niya ang kanyang sasakyan sa gilid ng simbahan para isalarawan ang isang nakakatawang punto. Gayunman nangaral siyang hapis at nagdurusa, naniniwala na ang Diyos ay kumikilos sa pamamagitan ng ating kahinaan. Alam niya na nilinlang ng Diyos ang karunungan ng sanlibutan para maipahayag ang kanyang Sarili—at ang katotohanang iyan ay paulit-ilit na pinatunayan ng mga ministeryo na itinatag ni ‘Kuya Dave’.
Noong 1958 naglakbay siya mula sa kanyang maliit na iglesya sa ‘Phillipsburg, Pennsylvania’, para abutin ang mga kabataang naligaw ng landas sa isang paglilitis sa lunsod ng Nuweba York. “Unang pagkakataon pa lamang siyang nakarating sa Nuweba York—at hindi pa rin siya nakakilala kahit isa na kasapi sa isang samahan ng mga kabataang naligaw ng landas o isang lulong sa bawal na droga,” ayon sa kanyang kapatid na si Don Wilkerson. “Basta nagtungo siya dito, na simpleng-simple lamang, sa kanyang pagiging inosente, anuman ang itawag ninyo dito, ay nabago niya ang buhay ng mga tao.”
Ayon sa iniulat ng kaibigan ni ‘Kuya Dave’ na si McCandlish Phillips, isang tagapagbalita ng New York Times, “Ang kanyang pamamaraan ay isang ganap na modelo ng kasimplehan, deretsahan at walang paikot-ikot—sadya siyang nagpupunta sa mga kalye at nakikihalo sa mga kabataan at nakikipag paliwanagan ng harap-harapan sa kanila, madalas na bumabanggit ng mga talata sa Bibliya—at ito ay naging tagumpay.”
Mula sa may malakas na loob na pagkilos ay naitatag ang ministeryo ng ‘Hamong Pangkabataan’ (Teen Challenge ministry), isang programa ng rehabilitasyon na nakasentro kay Cristo para sa mga lulong sa alak at bawal na droga. Ang misteryong ito ay higit na naging tanyag sa pamamagitan ng aklat na ‘Ang Krus at Balisong’ (The Cross and the Switchblade), na naibenta ng mahigit na 50 milyung kopya at naisalin sa 30 wika. Ang ministeryong ito ay lumago nadagdagan ng mahigit na isang libong sangay sa buong Estados Unidos at 80 pang mga bansa
Hinipo ng Panginoon si ‘Kuya Dave’ para maitatag ang ‘Krusadang Pangkabataan’ (Youth Crusades), ang ebanghelyong ministeryo para sa mga kabataan. Ang buong salin-lahi ay nagalak na ang mga buhay nila ay may halaga sa Diyos. Mabungang isinulat ni ‘Kuya Dave’ ang kanyang mga aklat na kumilos at humipo sa mga salinlahi ng mga magbabasa tungo sa buhay ng banal na debosyon kay Cristo. Ang mga dose-dosenang aklat na kanyang naiakda ay punung-puno ng mga may kahanga-hangang lalim ng kaisipan, maliwanag at may buong katapatan. At ipinamuhay niya ang mga isinulat niyang halimbawa ng kawangis ni Cristo, patuloy na nagpapahayag ng kanyang sariling kahinaan at katapatan ni Cristo sa kanya.
Katulad ng kanyang kapangalan, si Haring David, naisagawa ng aming ama ang kalooban ng Diyos sa kanyang henerasyon. Nangaral siya na may ganap na pag-ibig at walang lubay na grasya. hindi mahilig sa magarbong okasyon, ang purihin o sa mga seremonyas. Tinanggihan niya ang mga paanyaya ng mga kilalang namumuno sa mundo ngunit kayang ibigay ang lahat para tulungan ang isang ulilang naghihirap o isang balo na nagdadalamhati.
Ang huling misyon ng aking ama sa sanlibutan ay maging isang tagapagsanggalang ng mga pinakamahirap sa mundong ito—ang makapagbigay ng kaluwagan at makaalalay para sa mga nagugutom na mga kabataan, mga balo at mga ulila sa Estados Unidos at sa mga mahihirap na bansa. Ang sangay na itinatag niya para gawin ito ay ang ‘Please Pass the Bread’ ay nagmiministeryo sa mga buhay ng libu-libong kabataan sa raw-araw, sa pamamagitan ng 56 na sangay sa 8 bansa.
Tinakbo niya ang paligsahan ng maayos at nang matapos na ang kanyang gawain, siya ay tinawag nang pauwi ng Panginoon sa kanyang tunay na tahanan. Ang halaga ng kanyang buhay ay hindi kayang sukatin—hindi lamang sa kanyang pangangaral, pagsusulat at pagtatatag ng mga nakapagbabagong mga ministeryo sa sanlibutan, kundi sa pamamagitan ng kanyang pag-ibig, debosyo, pagiging mahabagin at kakayahang palakasin at alugin ang ating mga pananampalataya para sa mga dakilang gawain. Ang anak ni David na si Gary ay nag-aalay ng pahayag na ito sa mga nakakakilala sa kanya at nagmamahal sa kanya: “Alam ko na kung nagawang palakasin ang inyong loob ng aking ama sa pamamagitan ng kanyang mga salita sa panahong ito, ay aanyayahan niya kayo na ibigay ninyo ang inyong lahat para kay Jesus, ibigin ang Diyos ng taus-puso at iaalay ang inyong sarili para sa mga ibang nangangailangan.”
Ang huling blog na naiposte ni ‘Kuya Dave’, ay may pamagat na “Kapag ang Lahat ay Nabigo na,” ay isang akmang pamamaalam doon sa mga buhay na kanyang hinipo: “Minamahal, ang Diyos ay hindi kailanman nabigo kundi kumikilos sa kabutihan lamang at sa pag-ibig. Kung ang lahat ay nabigo na, ang Kanyang pag-ibig ay mangingibabaw. Manatiling matatag sa iyong pananampalataya. Manindigan ng matatag sa kanyang Salita. Wala nang iba pang pag-asa sa sanlibutang ito.
Ang pagpanaw ni David Wilkerson ay isang malalim na kawalan para sa marami. Gayunman kami ay nagagalak sapagkat alam namin na nabuhay ang aming ama ng lubus-lubusan, sumusunod sa kalooban ng Diyos ng may buong debosyon at lubos na umiibig kay Jesus
Naulila niya ang kanyang asawa na si, Gwen Wilkerson; anak na si Debi Jonker at asawa na si Roger, mga anak na sina Brent at Matthew at asawa ni Matthew na si Christina, anak na si Bonnie Hayslip at asawang si Roger, at mga anak na sina David at Brandon at asawa ni Brandon na si Christina; anak na si Gary Wilkerson at asawang si Kelly at mga anak na sina Ashley, Elliot, Evan at Annie; anak na si Greg Wilkerson at asawang si Teresa at mga anak na sina Alyssa at Ryan; mga kapatid na sina Don Wilkerson at Jerry Wilkerson at kapatid na si Ruth Harris. Ang kanyang mga apo ang nagsilbing tagabuhat ng kanyang kabaong.