Biyernes, Abril 29, 2011

ANG PAG-ALAALA KAY DAVID WILKERSON

"Nang maisagawa na ni David ang kalooban ng Diyos, siya'y namatay” (Mga Gawa 13:36).

Noong Miyerkules ng hapon ang aking ama, si David Wilkerson, ay pumanaw sa pamamagitan ng isang sakuna habang nasa kanyang sasakyan. Kami ay nagdadalamhati sa pagpanaw ng aming minamahal na ama, isang tapat na asawa at isang banal na anak ng Diyos. Ang aking ina, na si Gwen, asawa sa loob ng 57 taon, ay nasa sasakyan din ng mangyari ang sakuna, ngunit sa kabutihang palad sinabihan kami na siya ay ligtas na.

Ang mahigit na 60 taong ng kanyang pagmiministeryo ay sumagi sa buhay ng mga malapit sa kanya at umabot sa milyun-milyon sa buong mundo. Ngayon nadarama namin ang pagkawala ng isang mahal sa buhay, ngunit kasabay nito kami ay nagagalak sapagkat alam namin na nabuhay ang aming ama ng lubus-lubusan, sumusunod sa kalooban ng Diyos ng may buong debosyon at lubos na umiibig kay Jesus. Siya ay nakilala sa kanyang hindi masukat na pananampalataya. Naniwala siya na kayang baguhin ng Diyos ang buhay ng mga kabataang naliligaw ng landas at maipanumbalik ang pinakalulong sa ipinagbabawal na droga. Naniwala siya na may isang lalagong iglesya sa gitna ng Times Square, lunsod ng Nuweba York. Naniwala na siya ay isang lalaking kayang magmahal sa kanyang asawa at mga anak. At ito ay nagawa niya.

Ang aming ama ay hindi mahilig sa magarbong okasyon, ang purihin o sa mga seremonyas. Tinanggihan niya ang mga paanyaya ng mga kilalang namumuno sa mundo ngunit kayang ibigay ang lahat para tulungan ang isang ulilang naghihirap o isang balo na nagdadalamhati.

Katulad ni Haring David, naisagawa ng aming ama ang kalooban ng Diyos sa kanyang henerasyon. Nangaral siya na may ganap na pag-ibig at walang lubay na grasya. Nagsulat ng may kahanga-hangang lalim ng kaisipan, maliwanag at may buong katapatan. Tinakbo niya ang paligsahan ng maayos at nang matapos na ang kanyang gawain, siya ay tinawag nang pauwi sa kanyang tunay na tahanan.

Hindi ako naniniwala na ang aking ama ay maayos na makapagreretiro. Hindi ko nakikita na siya ay mauupo na lamang sa isang sulok at magmumuni-muni sa kanyang mga nakaraan. Naniniwala ako na ito ay alam ni Jesus at siya ay may pagmamahal na tinawag ng pauwi sa kanyang tunay na tahanan. Ang huling misyon ng aking ama sa sanlibutan ay maging isang tagapagsanggalang ng mga pinakamahirap sa mundong ito—ang makapagbigay ng kaluwagan at makaalalay para sa mga nagugutom na mga kabataan, mga balo at mga ulila.

Pagkatapos niyang maitatag ang Hamong Pangkabataan (Teen Challenge), Hamong Pangsanlibutan (World Challenge) at Iglesya ng Times Square, minabuti niyang magpursigi para mapakain ang mga nagugutom na mga bata sa pinakamahihirap na bansa sa mundong ito. Ngayon, ang ‘Please Pass the Bread’ ay nagliligtas ng mga buhay ng libu-libong kabatataan, sa 56 na sangay sa 8 bansa.

Katulad ni Haring David, pagkatapos na maisagawa ang kalooban ng Diyos, siya ay pumanaw. Alam ko na kung nagawang palakasin ang inyong loob ng aking ama sa pamamagitan ng kanyang mga salita sa panahong ito, ay aanyayahan niya kayo na ibigay ninyo ang inyong lahat para kay Jesus, ibigin ang Diyos ng taus-puso at iaalay ang inyong sarili para sa mga ibang nangangailangan.

Hindi sapat ang kanyang buong buhay para sa gawaing kanyang sinimulan. Mapatutunayan nating lahat na sinagi niya ang ating mga buhay—hindi lamang sa pamamagitan ng kanyang pangangaral at pagtatatag ng mga nakapagbabagong mga minsteryo, kundi sa pamamagitan ng kanyang pag-ibig, debosyon, kahabagan at kakayahang palakasin ang ating pananampalataya para sa mga dakilang gawain.