Huwebes, Abril 7, 2011

ANG PURIHIN ANG DIYOS SA KANYANG KABUTIHAN

“Ihahayag nila ang lahat ng iyong mga kabutihan, aawitan nila ng may kagalakan ang iyong katuwiran” (Awit 145:7).

Hindi natin matatanggihan ang karapatan ng Diyos na siya ay purihin sa lahat ng kanyang karangalan, ngunit tayo ay espesyal na tinawag upang purihin siya sa kanyang kabutihan.

Itala na ang Mang-aawit ay nagpilit sa kasaganaan ng pagpupuri sa alaala ng Ama sa kanyang kabutihan—inawit nila ang Hebreo sa kasaganaan ng pananalita: na lumalagaslas na katulad ng tubig na dumadaluhong mula sa bukal.

Sa Awit 107:8-9, isinulat ni David, “Kaya dapat namang kay Yahweh ay magpasalamat, dahil sa pag-ibig at kahang-hanga niyang pagliligtas. Mga nauuhaw ay pinaiinom upang masiyahan, mga nagugutom ay pawang binubusog sa mabuting bagay.”

Itong katotohanan ng pagpupuri sa Diyos sa mga nakaraan niyang kabutihan ay tumama sa puso ko at ako ay hinipo na gawin ito na katulad ni David. Tinawag tayo para ipagdiwang ang kanyang kabutihan.

Binuksan ni David ang kabutihan na kanyang ipinapahayag—ang Diyos ay nagawi na gamitin ang kahabagan, habang siya ay nakikiramay sa ating mga pagdadalamhati at mga paghihirap. Hiniram ni David mula sa Exodo 34:6, na kung saan ay kinausap ng Diyos si Moises: “Si Yahweh ay nagdaan sa harapan ni Moises at sinabi niya, ‘Akong si Yahweh ay mahabagin at mapagmahal. Hindi ako madaling magalit; patuloy kong ipinadarama ang aking pag-ibig at ako’y nananatiling tapat.”

Mga minamahal, lumingon kayo sa nakaraan at alalahanin kung gaano naging kabuti sa iyo ang Panginoon. Alalahanin ang kanyang pagkamahabagin na hindi nabigo na iligtas ka. Nakakita ako ng kagalakan sa pagpupuri sa Diyos para sa lahat ng bagay, ngunit sa lahat ay sa kanyang kabutihan. Hindi lamang sa nakaraang mga kabutihan kundi pati doon sa mga nakikita ko araw-araw—ang kabutihan na nakikita ko sa kapaligiran ko ngayon sa pangkasalukuyan.

“Kabutiha’t pag-ibig mo sa aki’y di magkukulang, siyang makakasama ko habang ako’y nabubuhay; at magapakailanma’y sa bahay ni Yahweh mananahan” (Awit 23:6).