Lunes, Abril 4, 2011

ANG KAHABANGAN NG DIYOS

Sa Gawa 9 nakilala natin ang isang lalaki na nagngangalang Saul na taga Tarsus, isa sa pinaka-relihiyosong tao na nabuhay. Ipinagmamalaki niya, “Nabuhay ako na may malinis na konsyensiya sa harapan ng Diyos hanggang sa araw na ito.” Ngunit ano ang ginagawa ng madasalin at banal na lalaking ito?

Si Saul ay punung-puno ng pagkamuhi kay Jesus na nagpasiya siyang patuloy na masamain ang iglesya ng Diyos, maging sa labas ng sakop ng Jerusalem. Sa Gawa 9 siya ay patungo sa Damasco, hangad na puksain ang mga tao ng Panginoon.

Isaalang-alang ang ginawa ng Diyos para sa taong ito na naging pinakadakilang mangangaral na Kristiyano na nabuhay.

Bigla na lamang na nagliwanag sa paligid niya na galing sa liwanag mula sa langit. Para ano? Para linlangin siya? Para kondenahin siya? Para puksain siya? Para ipahayag ang poot at hatol sa kanya? Hindi—kundi para ipahayag na ang kasalanan niya ay pinatawad na.

Ilarawan si Saul na nagpapakumbaba sa harap ng liwanag at naririnig ang tinig ni Jesus, sa halip na marinig ang pagsasakdal sa banal na Diyos sa nilalakaran niya. Ang mga salita na narinig niya ay, “Ako si Jesus!” Walang isa mang salita ng kasamaan na kung ano ang ginawa niya. Bakit ganoon? Ang kanyang labis na minasama ay kanyang naging pinakadakilang kaibigan.

Minamahal, siya ay si Jesus pa rin na nag-alok sa atin ng kaparehong kahabagan. Karapatdapat lamang na husgahan at isakdal, sa halip narinig natin siya na sinabi, “Ako si Jesus, ang iyong Manunubos.”

Pasalamatan mo siya ngayon para sa kahabagan na ipinakita niya sa iyo.

[Inspirasyon na galing kay J.B. Stoney]