Walang anumang makapagpaparangal sa Diyos ng higit pa sa pananalig sa kanya sa harap ng kagipitan. Napakabilis natin malimutan ang mga mihala at mga nakaraang pagpapala.
Sa Awit 106 nakita natin ang Israel na nakamasid sa di-kapani-paniwalang himala sa Pulang Dagat na dumaluyong sa hukbo ng Egipcio, na nilunod ang bawat sundalo. “Nang makita nila ang mga taga Egipcio na nakalatag sa dagat sa harapan nila, at noon ay naniniwala sila sa Diyos, at umawit ng kanyang papuri.” At ang mga sumunod na mga salita ay, “Ang lahat ng ito'y kaagad nilimot” (bersikulo 13).
Ngunit hindi natin mapagtiwalaan ang ating pananampalataya sa mga nakaraang karanasan.—masyado tayong madaling makalimot at ang makaalala ay halos di magawa. Ang mga nakaraang karanasan ay hindi sapat para mapalakas tayo sa kasalukuyang kagipitan. Kailangan natin ng sariwang pananampalataya-na naka-angkla sa pang-araw-araw na pagbabasa ng Salita ng Diyos—sariwang salita na nanggagaling sa Diyos!
Manalig sa Diyos kapag humaharap sa kagipitan at ang Diyos ay ipagkakatiwala sa iyo ang kanyang grasya, ang lahat ng kanyang kakayanan at kanyang lakas.
Ang manalig sa Diyos sa harap ng matinding kagipitan ay nangangailangan ng isang mapaghamong pananampalpataya—ang ipagkaloob ang lahat sa kanyang mapangalagang kamay. Darating ang panahon na kailangan tayong lumusong ng malalim at ibigay ang lahat ng dalahin sa kanya. Ang ganitong uri ng pananampalataya ay nakalulugod sa kanya.
Ang manampalataya ang tangi nating pag-asa, ang tanging paraan para makalabas sa kagipitan. Kayat manalig tayong lahat at ipagkaloob sa kanya ang lahat!