Miyerkules, Abril 20, 2011

PAG-ASA SA PADATING NA BAGYO

Nagpahayag si David sa atin ng malinaw na larawan ng paninindigan ni Jesus sa harap ng padating na bagyo. Nagpahayag siya ng hula kay Cristo, “gaya ng sinabi ni David tungkol sa kanya, 'Alam kong kasama ko ang Panginoon sa tuwina, hindi ako matitinag sapagkat kapiling ko siya” (Gawa 2:25). Ang literal na kahulugan dito ay, “Palagi akong nasa presensiya niya, nakamasid sa kanyang mukha.” Narinig ni David si Jesus na nagsabing, “Kaya't ako'y nagdiriwang, puso at diwa'y nagagalak, gayundin naman ako'y mabubuhay nang may pag-asa” (2:26).

Narito ang lihim: Palaging nakatingin si Jesus sa mukha ng Ama! Patuloy na naghahanap ng lihim na lugar si Jesus upang magkaroon ng panahon na kapiling ang Ama. At tuwing sa pagkatapos na kasama ang presensiya ng Diyos sa gayon lamang siya nakakapagministeryo, ganap na naniniwala na ang Ama ay laging kasama niya. “Siya ay nasa kanang kamay ko—at walang anumang bagay sa sanlibutang ito ang makauuga sa akin.” Ang salitang Griyego dito sa makagagalaw ay nangangahulugan na “nayugyog o nauga, nagambala.” Sinasabi ni Jesus, “Walang isa man sa mga suliraning ito, masama o padating na mangyayari pa lamang ay kayang pabagsakin ako o ugain ang pagtitiwala ko. Ang aking Ama ay may hawak sa lahat.”

Mga minamahal, kung ating haharapin ang padating na bagyo, kailangan tayong nakahanda nang sa gayon ay walang makagagambala sa ating espiritu. At magagawa lamang ito kung tayo ay gugugol ng panahon sa presensiya ng Ama na nakamasid sa kanyang mukha. Kailangang tayo ay nakikipag-isa sa kanya—nakaluhod, sinasanay ang kanyang presensiya, hinahanap siya—hanggang sa tayo ay ganap na nahimok na siya ay nasa ating kanang kamay.

Maliwanag na sinasabi sa atin ng Diyos, “Huwag mag-alala o magambala sa kung anuman ang iyong nakikita. Ituon ang iyong mga mata sa akin at mapananatili mo ang iyong kagalakan.” At ayon kay David, nagpatotoo si Jesus, “Itinuro mo sa akin ang mga landas upang ako'y mabuhay, dahil sa ikaw ang kasama ko, ako'y mapupuno ng kagalakan” (Gawa 2:28).

Ito mistulang sinasabi sa atin ni Cristo, “Haharapin ko ang lahat na iyong haharapin sa mga huling araw. Mayroon akong katulad na nakagagambalang damdamin, sapagkat nakikita ko ang padating na bagyo. Ngunit tumakbo ako sa presensiya ng akinh Ama, at binuhat niya ang lahat ng aking alalahanin. Ipinakita niya sa akin ang lahat ng kalalabasan ng lahat ng ito. At sa kanyang presensiya natagpuan ko ang lahat ng kagalakan, pag-asa at kapahingahan na kakailanganin ko—hanggang sa wakas. Mayroon akong kapayapaan at kagalakan sapagkat nakasama ko siya.”

“Kaya't ako'y nagdiriwang, puso at diwa'y nagagalak, gayundin naman ako'y mabubuhay nang may pag-asa” (2:26).