Biyernes, Abril 1, 2011

ITO AY NATUGUNAN NA SA KRUS

Kailangan ngayon na ay maunawaan na ng lahat kung ano ang ginawa ni Cristo sa krus. Tuluyan na niyang inalis ang bagay na nakasakit sa banal na mga mata ng Diyos, nang sa gayon ay magkaroon tayo ng karapatan sa kanyang presensiya. Tayo ay tinanggap sa kanyang paningin at walang anumang bagay na nakahadlang sa kanyang puso para sa atin!

Huwag kang hahakbang hanggang hindi mo natutunan ang bisa ng dugo ni Cristo—na ikaw ay ganap nang napatawad! Pinalaya tayo ng krus sa mata ng Diyos. Maaring malimutan natin iyon, ngunit ang Diyos ay hindi nakakalimot. Ang belo ay napunit para hayaang makapasok tayo at sinasabi ng Diyos, “Ikaw ay tinanggap na! Lumapit ka sa aking trono, dahil ikaw ay akin na, minamahal ko!

Kung ang Diyos ay nasiyahan, bakit hindi tayo? Ito ang isang usapin na dapat na ayusin. Mayroon bang bagay na nasa pagitan mo at ng iyong Amang nasa langit? Maari mong sabihin, “Pinarurusahan ako ng puso ko! May nasabi at nagawa ako na nagbigay dalamhati sa Espiritu Santo. Pakiramdam ko ay hindi ako karapatdapat at mistulang ang langit ay tanso.” Sa lahat ng ito maari mong isagot, “Ngunit ang Diyos ay mas higit sa aking puso!”

Kinamumuhian mo ba ang kasalanan? Naikumpisal mo na ba ang iyong mga kasalanan? “Dapat ninyong malaman, mga kapatid, na sa pamamagitan ni Jesus ay ipinangaral sa inyo ang kapatawaran ng kasalanan” (Gawa 13:38).

Dito madalas nagkukulang ang maraming Kristiyano. Nabubuhay sila sa mga walang kabuluhang pangamba at pagkakabihag, sapagkat hindi nila nauunawaan ang tagumpay sa krus. Sila ay maliwanag sa mga mata ng Diyos, ganap na nasisiyahan sa sakripisyo ni Cristo, ngunit hindi nila nauunawaan ito. Walang anumang humahadlang dito maliban sa pangamba at kakulangan ng kaalaman. Nang ang belo ay napunit, ang Diyos ay lumapit sa iyo at sa akin! Pumasok tayo—at lumabas siya!

Di kapani-paniwala! Inaalipusta natin ang Diyos, gayunman hangad pa rin niya na maliwanagan tayo sa kanyang paningin, ipinadala niya ang sarili niyang sakripisyo para sa ating mga kasalanan. Ang kasalanan ay nahatulan na at ang pag-alipusta ay pinatawad na. Ngayon masasabi na ng Diyos, “Sapagkat patatawarin ko sila sa kanilang mga kasalanan,
at kalilimutan ko na ang kanilang mga kasamaan" (Hebreo 8:12). Siya misyo ang nag-alis ng distansya!

Ayaw ng Diyos na ibintang ang kasalanan laban sa atin. Sa halip, hinangad niya na makipagkasundo tayo sa kanya. Hinangad niya na mamuhay tayo sa biyaya ng pagkakaalam na ang usapin tungkol sa kasalanan ay matagal nang nasagot sa krus.