Sa aking debosyon sa araw na ito, nadaanan ko ang isang bahagi ng sermon ni William Bridge, na ipinangaral noong ika-17 siglo. Nahikayat ako na ibahagi ito sa inyo.
Sa pananampalatayang ito na aking sinasabi: ang manalig kapag ang lahat ay nabigo na at patay nang nakalatag sa ating harapan, na nagpaparangal sa Diyos lalo na nagbigay katuwiran sa kaluluwa. Ito ang pananampalatayang nakapagliligtas ng kaluluwa.
Tingnan ang Lucas 7 at pag-aralang mabuti ito. Sinabi sa huling talata, “Sinabi ni Jesus sa babae, iniligtas ka ng iyong pananampalataya, humayo kang mapayapa.” Ngunit dito ay walang binanggit tungkol sa kanyang pananampalataya. May binanggit tungkol sa kanyang pag-ibig sa 47 na talata. “Kaya't sinasabi ko sa iyo, malaki ang kanyang pagmamahal sapagkat maraming kasalanan ang pinatawad sa kanya; ngunit ang pinatawad ng kaunti ay kaunti rin lang ang nadaramang pagmamahal”
May binanggit tungkol sa kanyang luha sa 38 na talata, “Isang babaing itinuturing na makasalanan sa bayang iyon ang nagpunta roon na may dalang pabangong nasa sisidlang alabastro. Umiiyak siyang lumapit sa paanan ni Jesus, at hinugasan ng kanyang luha ang mga paa nito. Pinunasan niya ng kanyang sariling buhok ang mga paa ni Jesus, hinalikan ito at binuhusan ng pabango.
Binanggit dito ang tungkol sa kanyang luha, binanggit dito ang kanyang kabutihang asal, at kagandahang-loob, at pagmamahal kay Jesu-Cristo. Gayunman ang ating Panginoon at Taga-pagligtas na si Cristo ay hindi sinabi: Babae, iniligtas ka ng luha mo, humayo kang mapayapa; Babae, ang pagsisisi mo at pagpapakumbaba ay iniligtas ka, humayo kang mapayapa. Hindi niya sinabi, ang pagmamahal mo sa akin at kagandahang-loob ay iniligtas ka, humayo kang mapayapa, babae.
Hindi, ngunit ang ating Panginoon at Tagapagligtas, nakita niya ang isang lihim na gawain na Sa kanyang sarili para sa babaeng ito, sapagkat siya ay isang makasalanan, at sinabi sa kanya, Babae, iniligtas ka ng pananampalataya mo, humayo kang mapayapa!