“Maging pagbabaka ay napatitigil…” (Mga Awit 46:9).
Isang magandang balita para sa anak ng Diyos na binasag ng pakikipagbaka sa kaluluwa! Ang pakikipagbaka ko sa aking kaluluwa ay kanya ring pakikipabaka, at siya lamang ang makapagpapatigil dito. Hindi papayagan ng mapagmahal kong Ama ang laman o ang diyablo na kayakayanin ako para magapi. Ang aking pakikibaka ay maliwanag na isinalaysay ni Santiago, na sumulat ng:
“Saan nanggagaling ang inyong mga alitan at pag-aaway? Hindi ba't nagmumula iyan sa masasamang nasa na naglalaban-laban sa inyong kalooban? (Santiago 4:1). Ang mahalay na pitang ito ay kasama ang kasakiman, kayabangan at kainggitan.
Sa mga panahong nagdaan, ang mga banal na kalalakihan ng Diyos ay nagtanong ng katulad na katanungan, “Ang pakikibaka ko ba sa sarili kong laman ay magwawakas habang ako ay nabubuhay pa? Hindi ba yan din ang kaparehong katanungan na itinatanong sa panahong ito ng mga nagmamahal ng lubusan sa Panginoon?
Ang kasagutan ay, ang pakikibaka ay kailangan at dapat na magwakas, at ito ay di maiiwasan na masusundan ng ganap na kapayapaan. Ngunit paano magwawakas ang pakikibaka, at sino ang magwawakas nito? Kung ito ay aking pakikibaka at obligasyon ko na wakasan ito, kailangan ipakita ito ng Diyos kung paano. Kung ito ay tunay na kanyang pakikibaka, kung ganoon ay kailangang wakasan niya ito sa kanyang pamamaraan at panahong ayon sa kanya--at bigyan ako ng tiyaga habang ang pakikibaka ay nagpapatuloy, alam na iniibig niya ako sa lahat ng ito.
Ang salitang Griyego na ginamit ni Santiago ay stratenomai, nagmumungkahi ng pakikibaka laban sa nauukol sa laman; isang kawal sa pakikibaka. Galing ito mula sa stratia, nangangahulugan na isang hukbo, isang hukbo na nasa kampo. Hindi ba si David ay nagpahayag ng hukbo na nasa kampo na laban sa atin? Ang ating makalamang pagkakahapay ay dumarating laban sa atin bilang isang hukbo, isang hukbo ng diyablo para ibagsak ang ating moralidad at panatilihin tayo sa kaguluhan sa pag-asang wasakin ang ating pananampalataya sa pamamagitan ng pag-atake sa ating isipan na may kasamang pangamba at kawalan ng paniniwala.
Kung pag-aaralan mo ang salitang Hebreo para sa pakikibaka na ginamit ni David sa Awit 46:9, naging dahilan ito ng ganap na kagalakan. Ito ay milchaman nangangahulugan na ipagpatuloy ang pagpapakain, gumugol at wasakin.
Ang tanging sinasabi ng Salita dito sa atin ay kamangha-mangha: pipiglan ng Diyos ang kalaban na madaig tayo, sa pagwasak sa atin. Hindi na niya papahintulutan na ang pita ng laman ay kainin tayo. Palakasin ang loob! Pipigilan na ng Diyos ang ating pakikibaka sa laman. Ito ay pakikibaka ng Diyos—at hindi siya kailanman magagapi.