Biyernes, Abril 8, 2011

KABANALAN

Kapag nagpahayag ako ng ganap na pagtitiwala kay Cristo, ang ibig kong sabihin ay hindi lamang sa kanyang nakapagliligtas na kapangyarihan kundi pati na rin sa kanyang nananatiling kapangyarihan. Kailangang magtiwala tayo sa kanyang Espiritu na iingatan tayo at umaalinsunod tayo sa wangis ni Jesus.

Isipin ang sarili mong patotoo. Minsan sa buhay mo ikaw ay nag-iisa, malayo mula sa Diyos dahil sa iyong mga makasalanang gawain. Anong mabuting gawa ang ginawa mo para maituwid ka sa kanya? Wala! Walang sinuman ang makapagliligtas sa kanyang sarili.

Gayon din naman, walang sinuman ang nakapagpanatili sa kanyang sarili bilang banal. Tayo ay dinala sa kabanalan ni Cristo araw-araw sa pamamagitan ng pananampalataya, habang tayo ay nagtitiwala sa kung ano ang sinabi sa Salita ng Diyos: “Kung ikaw ay na kay Cristo, ikaw ay banal sapagkat siya ay banal.”

“Dati, kayo'y malayo sa Diyos at naging kaaway niya dahil sa inyong paggawa at pag-iisip ng masasama. Ngunit sa pamamagitan ng pagkamatay ni Cristo, kayo ay ginawang kaibigan ng Diyos, nang sa gayon ay maiharap niya kayong banal, walang kapintasan at walang dungis. Subalit kailangan ninyong manatiling tapat at matatag sa inyong pananampalataya“ (Colosas 1:21-23).

Pansinin ang kataga “kung magpapatuloy ka sa pananampalataya.” Sinabi ni Jesus, “Patuloy na magtiwala sa akin, mamuhay sa pananampalataya. Upang maiharap ko kayong banal, walang kapintasan at walang dungis sa harapan ng Ama.”

Mga minamahal, ito ang lahat na inuring banal na gawain ng Espiritu Santo. Habang binigyan kayo ng Espiritu ng kapangyarihan na mapighati sa gawain ng laman, aakayin niya kayo sa pamamagitan ng kanyang kaaliwan.

Mayroong isa lamang na kabanalan: kay Cristo! Kung ganoon ay, walang isa mang mananampalataya na “mas banal sa kanya.” Walang anumang sukatan ang kabanalan, kundi sukatan lamang ng kahinugan kay Cristo. Maaring bago kang Kristiyano at ganap na banal kay Jesus. Kaya’t kaungasan ang sukatin mo ang iyong sarili bilang isang “banal.” Tayong lahat ay sinukat sa isa lamang na pamantayan: sa kabanalan ni Cristo. At kung tayo ay nasa kanya, ang kanyang kabanalan ay nasa atin sa kapantay na sukatan.

Hindi ka na maaring tumingin sa ibang Kristiyano at sabihing, “O, sana’y ako’y kasing banal niya.” Maaring wala ka ng uri ng disiplina ng ibang tao o ng kanyang buhay sa pananalangin; maaring mas madalas kang nagpapakahirap at mas madalas makagawa ng kamalian ng higit sa kanya. Ngunit hindi siya tinanggap ng Ama ng higit pa sa iyo. Huwag mong ikumpara ang sarili kahit kanino, sapagkat walang ibang mas mahal ang Ama sa paningin niya ng higit pa sa iyo!

Mahal na banal, hubarin mo ang sapatos mo. Alisin mo na ang labis na pagtitiwala sa sariling laman. Narito ang lupa na kung saan ka mamumuhay: “Inaangkin ko ang aking kabanalan, na na kay Cristo Jesus. Ako’y bahagi ng kanyang katawan. At nakatingin sa akin ang Ama na kasing banal sapagkat nananahan ako sa kanya.”