Tayo ay inukit bilang sanga kay Cristo, ang puno ng olibo (Roma 11:17-19). Ang siya ring kapangyarihan na nasa kanya at nagbibigay kakayanan sa atin. Ang siya ring Espiritu na nagpapalakas sa kanya ay nagpapalakas sa atin. Ang siya ring lugar na kinauupuan niya sa kanang kamay ng Diyos ay siya ring lugar na ating kinalalagyan sa pamamagitan ng pananampalataya, at sa Espiritu. Paano natin malalaman kung napatawad na tayo sa ating mga kasalanan? Sa pamamagitan lamang ng pananampalataya! Kailangang angkinin natin ang Salita ng Diyos tungkol dito, at kapag ginawa natin ito, binibigyan tayo ng ganap na kapayapaan ng pag-iisip.
salita na ang kanyang kapangyarihan ay kumikilos sa atin, na nagbibigay sa atin ng kalayaan at gawin ang kanyang kasiyahang-loob! At ang kapangyarihang ito ay nauukol lamang sa pamamagitan ng pananampalataya. Kailangang harapin natin ang ating kahinaan na may pananampalataya na tutulungan niya tayo na gawin ang kanyang ipinag-uutos.
Ang paralisadong lalaki na tumayo, lumakad, at binuhat ang kanyang higaan ay isang uri ng mananampalataya na may lakas laban sa kasalanan! Isa siyang kamangha-manghang pagpapahayag ng kapangyarihan ni Cristo. Anong pag-asa ang naibigay sa kanya para sa lahat na walang kalakasan at nangangailangan.
Hindi ba ito ang hinahanap ng Diyos ngayon? Hindi ba siya naghahanap ng mga nakapangingibabaw na magbibigay halimbawa para sa sanlibutan, nagpapakita sa makasalanang-salinlahi kung paano pinalaya ng ganap ni Cristo mula sa kapangyarihan ng kasalanan? Kailangan makita ng mga maksalanan ang mga mananampalataya na namumuhay na dinaig ang pita ng laman at lahat ng kaaliwan sa sanlibutang ito. Mga lalaking nagmamahal sa kanilang asawa at tapat; mga babae na tapat at mabubuting ina at tagapangalaga ng tahanan; mga kabataang nabubuhay sa pagkadalisay at nakahiwalay mula sa mga bagay na nakapagpaparumi.
Mayroon tayong sapat na mga radyo at telebisyon at mga abalang Kristiyano na nagpapahayag ng Mabuting Balita. Mayroon tayong mga programa, pagtitipon, mga aklat, mga nakatalang aralin, mga babasahin at mga balitang-liham.
Hindi ko hinahatulan ang mga ganitong mabubuting gawain. Subalit, ang kakulangan natin ay mga Kristiyano na tunay na nagpapahayag kung sino talaga si Jesus. Mayroong kakulangan ng mga iyon na makapagsasabi, “Naroon ang isang Kristiyano na nagpapahayag kung sino si Jesu-Cristo! Mayroong isa na walang ipinakikilala, walang patutunayan—kundi si Cristo, nabuhay at naluwalhati! Naroon may isang kapatiran na naninindigan na nagliliwanag na may kagandahan at kasimplehan ni Jesu-Cristo, ang Panginoon! Mayroong isa na mayroon na nais kong magkaroon din—isang katunayan na hindi maaring itanggi!”
Ito ang nararapat na tangi at nag-iisang hangarin ng ating mga buhay! Ang gampanan ang layunin ng Diyos—na maging patotoo na magpapahayag ng kapunuan at kapuspusan ni Cristo!