Ano ang mayroon sa atin na nakaakit ng kamanghamanghang biyaya, habag at kapatawaran ng ating Tagapagligtas? Ito ba ay isang uri ng kagandahan, kabutihan, o lakas? Ito ba isang uri ng kakayahan na mayroon tayo?
Hindi! Ito ay ang mabigat na pangangailangan at kawalan ng kakayahan na siyang nakaakit ng kanyang biyaya. Ang ating kahinaan ang umaakit sa kanyang lakas. Ang ating kalagayan na sa kawalan ng kakayahan ay isinalarawan ng isang lalaking paralitiko sa aklat ni Marcos, sa ikalawang kabanata: “May dumating na apat na taong may dalang isang paralitiko” (Marcos 2:3).
Narito ang isang larawan ng ganap na kawalan ng kakayahan, isang lalaki na walang lakas o kapangyarihan. Ni hindi niya kayang ilapit ang sarili kay Cristo. Tingnan muli ang panginginig, kahinaan, isang kaawa-awang nilalang—isang bilanggo ng kanyang higaan. Iyan ay ikaw at ako bago pa natin namalayan ang anumang bagay tungkol sa kapangyarihan ni Cristo.
Nakatayo si Cristo sa harap ng lalaking ito na walang kakayahan, ibinaba mula sa bubong, at ni hindi man lamang binanggit ang tungkol sa kanyang kapansanan. Pinili ng Panginoon na dalhin siya sa presensiya ng Ama na malinis at pinagaling na. Siya ay tinanggap na bago pa man siya pinagaling. “Nang makita ni Jesus kung gaano kalaki ang kanilang pananampalataya, sinabi niya sa paralitiko, "Anak, pinatawad na ang mga kasalanan mo" (Marcos 2:5).
Isang napakagandang larawan ng pag-ibig ng Diyos kay Cristo-Jesus! Narito ang isang kaawa-awang lalaki, ganap na dinaig ng kanyang kapansanan para makaimik man lamang. Ni hindi niya kaya na makapagsalita o makapangumpisal man lamang.
“Sapagkat tayo'y nilalang ng Diyos; nilikha sa pamamagitan ni Cristo Jesus…” (Efeso 2:10). Ang Pariseo kahit ano pang kabutihan mayroon, sa kanyang pagmamalaki, ay ni hindi man lamang nakaakit ng biyaya ng Panginoon. Hindi ng mabuting gawa, kaya’t walang sinuman ang maaring magmalaki.
Ipakita mo sa akin ang isang anak ng Diyos na nagdudusa sa isang kinamumuhiang nananatiling kasalanan, isa na bagsak na na may dala-dalang mabigat na pasanin, at kawalan ng pag-asa, isa na nakadarama ng kawalan ng kakayahan at kahinaan—ipakikita ko sa iyo ang isang pinagtutunan ng masaganang biyaya. Kung saan ang kasalanan ay masagana, higit na masagana ang biyaya (tingnan ang Roma 5:20).
Kapag ikaw ay nagsisi na, manindigan sa pananalig sa tinapos nang gawain sa krus! Sa pamamagitan ng pananampalataya sa kanya, ang iyong kasalanan ay nasa ilalim na ng dugo. Ikaw ngayon ay namumuhay na sa kabilang panig ng belo, nakaupo kasama si Cristo sa kalangitan, tinanggap ng minamahal, isang kasama si Cristo at ang Ama. Ang poot ng Diyos laban sa iyong kasalanan ay nasagot na. ikaw ngayon ay higit pa sa isang manlulupig, namumuhay at kumikilos sa Espiritu. Ikaw ay pinuuan sa kapunuan ni Cristo na may kapangyarihan na makaharap ang lahat ng bagay na may kinalaman sa buhay at makadiyos na kabutihan. Ikaw ang mahalaga sa kanyang paningin, binago sa iyong isipan at ginawang tagapagmana na nauukol sa Panginoong Cristo!