Lunes, Abril 18, 2011

“GAWIN MO SA AKIN KUNG ANO ANG NAIS MO”

Si Martin Luther, sa kasagsagan ng kanyang pagilitis, ay nagpatotoo, “Panginoon, ngayon pinatawad mo ako sa lahat, gawin mo sa akin kung ano ang nais mo.” Si Luther ay naniniwala na ang Diyos ay kayang burahin ang lahat ng kanyang kasalanan at nagligtas sa kanyang kaluluwa ay kaya rin pangalagaan ang kanyang pisikal na pangangatawan at ipagkaloob mga materyal na pangangailangan.

May kakanyahang sinabi ni Luther na, “Bakit ako mangangamba sa maaring gawin ng tao sa akin? Naglilingkod sa isang Diyos na kayang linisin ang aking kasalanan at magdulot ng kapayapaan sa aking kaluluwa. Walang halaga kung ang lahat sa aking kapaligiran ay magbagsakan. Kung kaya akong iligtas ng Diyos ko at pangalagaan ang aking kaluluwa habang panahon, bakit hindi niya mapangangalagaan ang aking katawang pisikal habang ako ay nabubuhay sa sanlibutang ito?”

“O Panginoon, ngayon na ako ay napatawad na, at kaya nang humarap sa iyo sa Araw ng Paghuhukom na may labis na kagalakan—gawin mo sa akin kung ano ang nais mo.”

Mga kapatid—magalak! Ang kasalukuyang buhay na ito ay hindi katotohanan. Ang ating katotohanan ay ang buhay na walang hanggan sa presensiya ng ating mapagpalang Panginoon.

Kayat manatili sa pananampalataya! Ang lahat ng bagay ay unti-unti nang bumabagsak—ngunit tayo ay patuloy na umaangat!