“Ang pag-asang ito ang siyang matibay at matatag na angkla ng ating buhay, at ito'y umaabot hanggang sa kabila ng tabing ng templo, hanggang sa Dakong Kabanal-banalan” (Hebreo 6:19).
Ang angkla na tinutukoy dito sa talatang ito ay pag-asa. Hindi ang pag-asa ng makasalanang sanlibutang ito, kundi pag-asa na itinatag na sinumpaan ng Diyos na dapat panghawakan, basbasan, pamahalaan ang mga tao na nagtitiwala sa kanya.
Ang pag-asang ito ang ating angkla sa bagyo na bumabagsak sa sanlibutang ito sa mga panahon ngayon. Ang kumatha ng Hebreo ay nangusap, “Kaya't huwag kayong maging tamad. Tularan ninyo ang mga taong dahil sa kanilang pagtitiis at pananalig sa Diyos ay tumatanggap ng mga ipinangako niya” (6:12).
Sumumpa ang Diyos sa mga “tagapagmana ng pangako” lahat na mga na kay Cristo. Sumumpa siya nang sa gayon ay wakasan na ang lahat ng pagsusumikap—lahat ng mga pagdududa—nang sa gayon “…Kaya't tayong nakatagpo ng kanyang kalinga ay panatag ang loob na umaasa sa mga pangako niya” (6:18).
Narito ang ating pag-asa: SUMUMPA ANG DIYOS NA TUTUPARIN NIYA ANG LAHAT NG KANYANG MGA PANGAKO AT IMPOSIBLE PARA SA DIYOS ANG MAGSINUNGALING.
Pinanindigan niya ang kanyang salita kay Abraham—paninindigan niya ang salita niya sa iyo habang nagtitiwala ka sa kanya. Kailangan natin ng malaking na kaaliwan sa mga panahong ito.
Pagkatapos masabi ang lahat—at lahat ng mga sermon ay ipinangangaral tungkol sa pag-asa—mauuwi ang lahat dito: Tayo bang lahat ay nakahanda na ipagkatiwala ang lahat sa kanyang mga kamay—mamahinga sa kanyang mga Salita—at magpakatatag nang walang pag-aalinlangan sa pag-ibig ng Diyos, naniniwala na ang lahat ng kanyang mga pangako sa iyo ay matutupad?
Maari mong dalhin ang pananampalatayang iyan ng higit pa sa belo na pinakabanal!