Huwebes, Abril 21, 2011

NAKATUON ANG TINGIN KAY JESUS

“Ituon natin ang ating paningin kay Jesus na siyang pinagmumulan at kabuuan ng ating pananampalataya” (Hebreo 12:2).

Kung tatanungin mo ako kung ano ang nagyayari sa sanlibutan ngayon, ang isasagot ko ay, “Ang lahat ng babala ni Jesus sa atin ay mangyayari sa mga huling araw!” nagbabala siya tungkol sa mga puso ng mga tao na nanlulumo sa pangamba mula pagmamasid sa mga nangyayari sa sanlibutan ngayon. Nagbabala siya ng mga lindol sa ibat-ibang lugar—maglalaban-laban ang mga bansa, magdidigmaan ang mga kaharian.

Nabuhay tayo na makita ang simula ng mga hula sa pagwawakas ng panahon na nangyayari sa harapan ng ating mga mata. Tingnan ang Lucas 21:11, “Magkakaroon ng malalakas na lindol.”

Ano ang sinabi sa atin ni Jesus kapag nakita natin ang bagay na ito na nangyayari? Sinabi niya, “Kapag nagsimula nang mangyari ang mga ito, magalak kayo sapagkat malapit na ang inyong katubusan" (21:28).

O mga minamahal, kung iniibig ninyo si Jesus, hindi ka dapat mabigla o mangamba. ANG LAHAT NG BAGAY AY NASA KANYANG PANGANGALAGA.

Oo, nanginginig tayo sa simula na makita at marinig ang mga kakila-kilabot na mga balitang ito—ngunit ito ang panahon para ituon ang tingin kay Jesus. Dinala niya tayo hanggang dito—siya ang may katha ng ating pananampalataya—dadalhin niya tayo sa katapusan na may pag-asa at kapayapaan, anuman ang mangyari.

Sa panahong ito, huwag hayaang papanghinain ka ng mga masasamang balita. Huwag mabalisa—ituon ng buo ang iyong tingin kay Jesus. Malapit na siyang dumating.

“Magpakatatag tayo sa ating pag-asa at huwag nang mag-alinlangan pa, sapagkat ang nangako sa atin ay maaasahan” (Hebreo 10:23).