Hindi ibig sabihin na ang mga Kristiyano na muling nahulog sa mga dating kasalanan at bumalik sa sanlibutan ay siyang sinusubok. Hindi, ang mga mananampalatayang yaon ay humaharap sa wasak na pananampalataya.
Ngunit nagbabala si Pedro, “Ngayong ito'y alam na ninyo, mga kapatid, dapat kayong mag-ingat upang huwag kayong mailigaw ng mga taong walang sinusunod na batas. Sa gayon, hindi kayo matitinag sa inyong mabuting kalagayan” (2 Pedro 3:17). Si Pedro ay nagbabala sa mga mananampalataya na mga lumalago sa kabanalan at nakatakdang sumunod sa Paginoon.
Ang ilan sa inyo ay bumagsak kahit na may patuloy na paglago sa Panginoon. Kung itanong ko sa iyo ano ang naging dahilan ng iyong pagbasak, maaring ang isagot mo ay, “Kapatid na David, ito ay sanhi ng matinding poot. Ginalit ako ng sarili kong pamilya at di ako nakapagpigil. Hindi ko maunawaan ito. Akala ko ay nagiging malambing ako, na katulad ni Jesus. Ngunit mayroong nagkamaling magbiro at diko nakayanan ito.” Maari mong sabihin na, “Tao lamang ako. May limitasyon ang aking kakayanan?”
Hindi mahalaga kung ikaw ay ginalit o kung ikaw man ay nasa katuwiran. Ang panggagalit sa iyo ay nangangahulugan lamang na kailangan mo ng pagpapalaya. Sinabi ng Kasulatan, “Alisin na ninyo ang lahat ng sama ng loob, poot at galit; huwag na kayong mambubulyaw, manlalait at mananakit ng damdamin ng kapwa” (Efeso 4:31).
Ang Diyos ay patuloy na susubukin ka hanggang sabihin mo na, “Mayroon akong espiritu na kailangan nang maalis.” Wala kang makikitang paglago kay Cristo, walang kapayapaan sa tahanan o sa trabaho man, hanggang kaya mo nang sabihin na, “Tama ka, Panaginoon—alisin mo na ito!”
Kung ikaw ay sinusubok sa bagay na ito, o sa anumang ibang bagay pa, maaring iniisip mo, “Dama ko na hindi ako karapat-dapat. Gaano kalayo na ako sa ginagawa ko? Iniibig pa rin ba ako ng Diyos?”
Minamahal kong banal, kung tunay kang nagsisi, hindi ka napalayo kahit kaunti man lang. Nakaakbay sa iyo ang mapagmahal niyang mga kamay at sinasabing, “Hinahayaan kong mangyari iyan san iyo para makita mo ang laman ng puso mo. Ngunit may progreso na ang ginagawa mo. Sinasabi mo na nais mong maglakad kasama ako kaya tinuturuan kita. Alam ko ang nasa kalooban mo at hinahayaan kitang galitin hanggang sa maalis mo na ang lahat ng ito.”
Ikaw ba ay sinusubok? Kung ganoon, manalangin lamang ng ganito: “Panginoon inilagay ko ang mga daliri mo sa ilang bahagi ng pagkatao ko. Alisin mo na ang mga ito sa puso ko. Palakasin mo ang loob ko, Panginoon, na hindi pabalik ang lakad ko—ako ay palago na kasama ka!”