Miyerkules, Abril 27, 2011

KAPAG ANG LAHAT AY NABIGO NA

Ang manalig kapag ang lahat ay nabigo na ay lubus-lubusang nakalulugod sa Diyos at ito ay katanggap-tanggap sa kanya. Sinabi ni Jesus kay Tomas, “Naniniwala ka na ba dahil nakita mo ako? Mapalad ang mga naniniwala kahit hindi nila ako nakita” (Juan 20:29).

Mapalad ang mga nananalig kahit na walang katunayan ng kasagutan sa panalangin—na nagtitiwala ng lubusan kahit wala ng pag-asa kapag ang lahat ay nabigo na.

Mayroon napunta sa lugar ng kawalang ng pag-asa—katapusan ng pag-asa—katapusan ng lahat ng maaring solusyon. Isang mahal sa buhay ang humaharap sa kamatayan at wala ng pag-asa ang ibinigay ng manggagamot. Ang kamatayan ay di na maiiwasan pa. wala nang pag-asa. Ang himala na ipinagdadasal ay hindi nangyari.

Iyan ang sandali na sinasalakay ang isipan mo ng mga kampon ni Satanas na may kasamang pangamba, poot, at nakapananaig na mga katanungang: “Nasaan ang Diyos mo ngayon? Nanalangin ka hanggang sa wala ka nang iluha. Nag-ayuno ka. Nanindigan ka sa mga pangako. Nagtiwala ka.”

Mga kasumpa-sumpang isipin ay ipapasok sa isipan mo: “Nabigo ang panalangin. Nabigo ang pananampalataya. Huwag kang lalayo sa Diyos—basta huwag ka na lamang magtiwala sa kanya. Walang mangyayari sa iyo!”

Maging ang tanungin ang katunayan ng Diyos ay ipapasok sa isipan mo. Ito ang mga pamamaraan ni Satanas sa mga siglong nagdaan. Ilan sa mga makadiyos na kalalakihan at kababaihan na nabuhay ay nasa ganitong pag-atake ng diyablo.

Yaon mga dumadaan sa bingit ng kamatayan, makinig sa salitang ito: Ang pagtangis ay mananatili sa ilang mga kakila-kilabot na mga gabi—at sa kadilimang iyan ay madirinig mo ang Ama na bumubulong, “Kasama mo ako. Hindi ko masasabi sa iyo ngayon, ngunit isang araw ay mauunawaan mo ang mga ito. Makikita mo na ang lahat ng ito ay bahagi ng aking mga plano. Hindi ito aksidente lamang. Hindi ito kabiguan na ikaw may gawa. Manatiling matatag. Hayaan momg yakapin kita sa sandali ng iyong kapighatian.”

Minamahal, ang Diyos ay hindi kailanman nabigo kundi kumikilos sa kabutihan lamang at sa pag-ibig. Kung ang lahat ay nabigo na—ang kanyang pag-ibig ay mangingibabaw. Manatiling matatag sa iyong pananampalataya. Manindigan ng matatag sa kanyang Salita. Wala nang iba pang pag-asa sa sanlibutang ito.