Kapag tayo ay nasasaktan tayo ay nag-iisa, nangangamba, at dinadaig ng mga pangyayari na wala tayong kakayanang baguhin—bigla tayong lumalayo sa tunay na pinanggagalingan ng kapayapaan at tagumpay at nakatingin sa pamamaraang pantao. Kasindak-sindak! Alam natin na ang Diyos ay nakaupo sa trono naghihintay pa rin sa atin na tumawag sa kanya. Alam natin na ang kasagutan sa lahat ng ating mga pangangailangan ay matatagpuan lamang sa Diyos, at sa kanya lamang. Ikinukumpisal pa man din natin sa ating mga espirituwal na mga kaibigan, “Alam ko na kailangan kong manalangin! Alam ko na ang Diyos ang may kasagutan! Alam ko na kailangan kong itangis lahat ito sa kanyang presensiya!
Ito ang pinakamasahol na uri ng panglulupaypay na bumigay sa takot at kawalan ng pag-asa habang binabalewala ang kapangyarihan at katapatan ng isang mapagmahal na Ama. Sinabi ng Diyos sa Israel, ”…Narinig ninyo nang ako'y magsalita mula sa langit…Pupunta ako roon at pagpapalain ko kayo” (Exodo 20:22.24). ngunit sumagot ang Israel, "Ang Diyos ay walang pakialam”(Awit10:11).”Ngunit ang sabi ng mga taga-Jerusalem, "Pinabayaan na tayo ni Yahweh. Nakalimutan na niya tayo" (Isaias 49:14).
Ikaw ba’y isang nanglulupaypay na Kristiyano? Ganoon ka nga kung kung binabalewala mo ang makapangyarihang mga pangako ng Panginoon at nagdududa na pinaninindigan niya ang kanyang sinasabi! Ipinangako niya, “Ang sagot ni Yahweh, "Malilimot kaya ng ina ang sarili niyang anak? Hindi kaya niya mahalin ang sanggol niyang iniluwal? Kung mayroon mang inang lumilimot sa kanyang anak, hindi ko kayo kakalimutan kahit sandali. Jerusalem, hinding-hindi kita malilimutan. Pangalan mo'y nakaukit sa aking mga palad’ (Isaias 49:15-16).
Mananatili kang manglulupaypay kung ipagpapatuloy mong dinadala ang mga walang kuwentang dalahin ng pagkakasala, pangamba, kalungkutan, pagkabalisa, at pagkalito dahil lamang sa pagtanggi mong mamahinga sa mga dakila at mahalagang mga pangako ng Panginoon.
Hindi tinutuya ng Diyos ang kanyang mga anak noong ipinangako niya, “Alam nating sa lahat ng bagay ay gumagawa ang Diyos para sa ikabubuti ng mga nagmamahal sa kanya, silang mga tinawag ayon sa kanyang layunin” (Roma 8:28).
Hindi nagsisinungaling ang Diyos nang ipinangako niya, “Mga mata ni Yahweh, sa mat'wid nakatuon, sa kanilang pagdaing, lagi siyang tumutugon… Agad dinirinig daing ng matuwid; inililigtas sila sa mga panganib” (Mga Awit 34:15 at 17).
Huwag tayong mabalisa at kumilos ayon sa ating mga damdamin. Kapag tayo ay nabagabag at dumaing sa Diyos para sa kahabagan at tulong, ang buong kalangitan ay kumikilos para sa atin. Hahayaan ba ng Panginoon na makita natin ang mundo ng espirituwal para pagmasdan ang mga mabubuting bagay na kanyang inihahanda para doon sa mga tumatawag sa kanya at nanalig, di-kapani-paniwalang tanawin ito para sa atin.