Huwebes, Marso 31, 2011

ANG DAKILANG HANGARIN NG DIYOS PARA SA KANYANG MGA ANAK

Naniniwala ako na ang Diyos ay mayroon isang dakilang hangarin para sa kanyang mga anak mula pa nang pagkakapako sa krus at hindi ito magbabago hanggang sa pagbabalik ni Cristo sa kaluwalhatian. Ang hangarin ng Diyos ay may kinalaman sa pagkakaunawa sa hiwaga ng mabuting balita, na unang ipinahayag kay Pablo. Hindi na ito mahiwaga ngayon.

Sinabi ni Pablo, “Tulad ng naisulat ko na, ipinahayag sa akin ng Diyos ang kanyang hiwaga... Ito'y hindi ipinaalam sa mga tao noong mga nakaraang panahon, ngunit inihayag ngayon ng Diyos sa pamamagitan ng Espiritu…at magpaliwanag sa lahat kung paano isasagawa ng Diyos ang kanyang lihim na plano” (Efeso 3:3-9).

Ang hiwaga na ipinahayag ay ganito: Ang katawan ni Cristo ay narito pa rin sa lupa! Ang ulo ay nasa langit ngunit ang natirang katawan ay nandito pa rin sa lupa. Tayo na umiibig at naglilingkod sa kanya ay ang kanyang katawan, ang nakikitang bahagi, na siyang nakikita nilang si Cristo sa lupa.

“Tayo nga'y mga bahagi ng kanyang katawan” (Efeso 5:30).

“Siya ang ulo ng iglesya na kanyang katawan” (Colosas 1:18).

Ang kabuuang hangarin ng Diyos sa mga huling araw na ito ay maaring pagsamahin sa isang pangungusap: Bilang tayo na katawan ni Cristo sa lupa, ang hangarin ng Diyos ay ang bawat kasapi ay maging tunay na pahayag ng kung sino si Cristo.

Hangarin ng Diyos para sa atin na maipahayag ang ganap na kapunuan ni Cristo nang sa gayon ang bawat makasalanan ay makita sa atin ang Panginoong Jesu-Cristo na katulad nang parang mistula pa rin siyang naglalakad sa kanyang sariling katauhan. Kailangang mamukod-tangi sa atin ang kanyang kapunuan, ang kanyang kaluwalhatian, ang kanyang kabuuan nang sa gayon ay makita ng sanlibutan sa atin ang pag-asa at kasagutan sa kanilang mga pangangailangan.

Hindi sapat na makilala lamang si Cristo. Kailangang tayo ay ganap na nagpapahayag kung sino siya! Kailangang tingnan natin ang lahat na sinasabi at ginagawa at hinihingi: “Ito ba’y kumakatawan kung sino si Cristo? Ito ba ang nais kong makita ng mga makasalanan sa pamamagitan ko?” Si Cristo ba, sa kanyang katawang lupa, ay pupunta sa isang sinehan na nagpapalabas ng mga malaswa? Magbababad ba siya sa lugar ng may ponograpiya? Aabusuhin ba ni Cristo ang kanyang katawan sa anumang paraan? Makikihalo ba siya sa pangangalunya, sa kalaswaan, sa paglalasing? Mandadaya ba siya, sa tsismis, magkukuwento ng may karumihan, o kasinungalingan? Mamumuhay ba siya sa kasinungalingan, at pagkatapos ay susubok na mangaral ng katotohanan? Susubukan ba niyang magpalaganap ng liwanag na may kasamang kadiliman sa kanyang puso? Sasabihin ba niya sa iba na huwag mangangalunya pagkatapos ay gagawin niya ito ng palihim?

Kailangan ipagpatuloy natin sa ating harapan ang tanging dakilang hangarin ng Diyos—na tayo na katawan niya ay sumasalamin ng katapatan at kung gaano siya kadalisay! Italaga mo ang iyong puso sa pagigiging tunay na pahayag kung sino talaga si Cristo.