Ang paraan ng Diyos ay lumalabas na salungat o taliwas sa isipan ng tao. “Upang mabuhay, kailangan kang mamatay. Para matagpuan mo ang iyong buhay, kailangang mawala ito. Upang maging malakas, kailangan munang maging mahina ka.”
Ang isa sa mga pinakamalaking kataliwasan sa lahat ay ito: Upang tunay na maging malaya, kailangan lumundag ka. Upang makamit ang pinakadakilang kalayaan sa Diyos, kailangan isuko mo ang lahat ng karapatan at maging aliping panghabangbuhay sa Panginoong Jesu-Cristo. Mayroong maluwalhating pag-ibig-alipin na nagdadala sa pinakamataas na kalayaan. Ito ay isang kusang pagsuko na bunga ng pag-ibig, na nagsasanhi para sa isa na isaalang-alang ang paninilbihan na higit pa sa pagiging anak.
Sa panahon na kung saan ang mga tao ng Diyos ay abala sa pag-angkin ng kanilang karapatan, kasama ang biyaya ng Panginoon at mga benepisyo, na makikinabang tayong lahat na hayaan ang Espiritu Santo na buksan ang ating mga mata sa lugar ng Diyos na higit pa sa maari nating matuklasan. Ito ay nasa ganap na banal na utos para tanggapin ang lahat na mabuting bagay mula sa kamay ng Diyos, at walang anak ng Diyos na dapat makadama ng pagsisisi tungkol sa mga biyaya at benepisyo na ibinuhos sa kanya.
Gayunman kailangan nating makita na mayroon pang mas higit sa biyaya at kaginhawahan, bagay na higit pang may pakinabang kaysa sa iba pang pang-araw-araw na biyayang ipinagkakaloob niya sa atin.
Ang isang alipin ay isang nakipagkasundo sa isang sakramento ng paglilingkod sa kanyang amo. Ito ay maayos na isinalarawan sa sumunod na Kasulatan:
“Kapag ang isang tao'y bumili ng aliping Hebreo, maglilingkod ito sa kanya sa loob ng anim na taon. Sa ikapito, makakalaya na siya nang hindi kailangang tubusin. 3 Kung ang alipin ay walang asawa nang bilhin, aalis siyang walang asawa. Ngunit kung may asawa siya nang mabili, kasama niya sa pag-alis ang kanyang asawa. 4 Kung sa kanyang pagka-alipin ay binigyan siya ng magiging asawa at nagkaanak sila, ang babae at ang mga anak ay maiiwan sa amo; siya lamang ang lalaya. 5 Ngunit kung ayaw na niyang umalis sapagkat mahal niya ang kanyang asawa't mga anak, gayon din ang kanyang amo 6 patutunayan niya ito sa harapan ng Diyos: dadalhin siya sa pintuan, sa tabi ng poste ng pinto at bubutasan ang isa niyang tainga. Sa gayon, magiging alipin siya habang buhay” (Exodo 21: 2-6).
Ito ay higit pa sa larawan ng pagpapahalaga ng Diyos sa mga alipin at mga lingkod. Sa uri at anino, maliwanag na naglalarawan ng alipin ng Panginoong Jesu-Cristo.
Si Cristo ang Panginoon sa bagay na ito, at tayo ang mga alipin na ang kalayaan ay nabili na. Ang krus ay siyang Sabado ng Diyos, ang taon ng pagpapalaya ng lahat ng mga bilanggo, mga bihag, mga alipin, at mga lingkod at at tayo na ipinagbili sa ilalim ng Batas ay pinalaya sa pamamagitan ng grasya!
Tayo ay pinalaya na mula sa kasalanan, gayunman ay alipin kay Cristo, sa lahat ng araw, sa sariling pagpapasiya.