Lunes, Marso 7, 2011

ISANG PANGAKONG KASING-TIBAY NG BAKAL

Binigyan tayo ng Diyos na isang matibay na pangako para sa buhay natin dito sa sanlibutan. Sinabi niya na kapag ang ating kaaway ay sinubukang yapakan tayo, “Kaya’t darating ang araw na malalaman ninyong ako ang Diyos na nagsalita sa inyo” (Isaias 52:6). Sa ibang salita, sinabi ng Diyos, “Kapag kayo’y nasa pinakamadilim na pagsubok, darating ako at may sasabihin sa inyo. Maririnig ninyong sinasabing, ‘Ako ito, si Jesus, ang inyong tagapagligtas. Huwag kayong matakot.”

Sa Mateo 14, ang mga alagad ay nasa bangka na nasa gitna ng malakas na bagyo, sinisiklut-siklot ng malalakas na hangin at alon. Kaginsa-ginsay, nakita nila si Jesus na lumalakad sa ibabaw ng tubig palapit sa kanila. Sinabi ng Kasulatan, “Kinilabutan sa takot ang mga alagad nang makita nilang may lumalakad sa ibabaw ng tubig. ‘Multo! ang sigaw nila’” (Mateo 14:26). Ano ang ginawa ni Jesus sa nakatatakot na sandaling yaon? “Ngunit agad siyang nagsalita at sinabi sa kanila, ‘ Huwag kayong matakot; si Jesus ito’” (14:27, aking italika).

Nagtaka ako bakit ito ang mga salitang ginamit ni Jesus, “Magsaya kayo.” Bakit niya sasabihin ito sa mga alagad na iniisip na malapit na silang mamatay?

Ang salitang magsaya ay nangangahulugan ng “makahinga ng maluwag, masaya, nakaalpas mula sa takot.” At dito, sa mga sandali ng pagkabagabag ng mga alagad, itinali ni Jesus ang mga salita sa kanyang katauhan. Tandaan, ang mga lalaking ito na kilala siyang personal. At inaasahan niyang kikilos sa kanyang mga salita na may pananampalataya. Sinasabi niya, “Kaya’t darating ang araw na malalaman ninyong ako ang Diyos na nagsalita sa inyo” (Isaias 52:6, aking italika). Ngayon ako ay dumating sa inyo sa sandali ng inyong kagipitan. Ako ito,si Jesus, narito ako sa gitna ng lahat ng ito. Kaya, magsaya kayo.” Kahalintulad, ang ating Tagapagligtas ay umaasa sa katulad na reaksyon na may pananampalataya mula sa atin; sa sandali ng ating kapighatian.