“At ngayong naalis na ang talukbong, nagniningning sa ating mga mukha ang kaluwalhatian ng Panginoon. At ang kaluwalhatiang iyan na nagmumula sa Panginoon, na siyang Espiritu, ang siyang magbabago sa atin mula sa isang antas ng kaluwalhatian hanggang tayo'y maging kalarawan niya” (2 Corinto 3:18). Nagmimistula tayong kawangis ng ating inoobserbahan! Kung saan tayo nakatuon ay siyang humihikayat sa ating pamumuhay. Kung ano ang pinagmamasdan ng ating espirituwal na mata ay siyang humahawak sa atin—ito ang nangingibabaw sa atin! Pinili ni Pablo na walang ibang kinikilala maliban kay Cristo; Ang tagapagligtas ay siyang naging tanging pakay ng kanyang isipan, ng kanyang pangangaral, ng kanyang doktrina. “Sapagkat noong ako'y nariyan, ipinasya kong walang sinumang kilalanin maliban kay Jesu-Cristo na ipinako sa krus” (1 Corinto 2:2). Itinuon niya ang kanyang mga mata sa Ulo ng katawan at hindi sa suliranin ng katawan.
Ang nais ng Diyos para sa atin ay mabihisan tayo ng presensiya ni Cristo. Gusto mo ba ng tagumpay laban sa kasalanan at kalayaan mula sa kapangyarihan ng kaaway? Kung ganoon ay manalangin ng taimtim para sa katalastasan ng presensiya ni cristo. Kung ikaw ay seryoso tungkol dito, tutunawin ka ng kanyang mga mata at dadalhin ka sa lugar ng pagsisisi.
Yaong katulad na mapagmahal na presensiya ng Panginoon ay siyang magiging pinakapuso at buhay ng iyong kaluluwa. Hindi mo nanaisin na umalis sa kanyang presensiya. Sasandal ka sa kanyang mga braso at lahat ng pangamba ay maglalaho, mapapalitan ng dalisay na kapayapaan at kapahingahan. Kaya mong harapin si Satanas na may bihis ng kapangyarihan ng kanyang presensiya. Ang Salita ng Diyos ay nangangako, “Ang magtatagumpay ay magdaramit ng puti, at hindi ko kailanman aalisin sa aklat ng buhay ang kanyang pangalan. Kikilalanin ko siya sa harap ng aking Ama at ng kanyang mga anghel” (Pahayag 3:5).
Ang simbahan ay patungo sa mga huling araw na bilang, “isang babaing na nadaramtan ng araw… (Pahayag 12:1). Ito ay si Cristo na nakasuot ng puti! Tayo ay nalagay kay Cristo at mga kapangyarihan.
Ito ay hindi naman masalimuot. Katunayan, ito ay maaring pagsamahin sa apat na salita: MANATILI KA KAY JESUS! Mamuhay sa kanyang presensiya at sa pamamagitan ng pananampalataya maupo ka sa tabi niya sa kalangitan. Masdan mo siya na nakatayo sa kanan ng Ama para sa iyo at walang anumang maaring makahadlang sa iyo, at katulad ni Stefan, mamasdan mo siyang nasa langit (tingnan ang Gawa 7:56).