Lunes, Marso 21, 2011

ANG TATAK NG ISANG ALIPIN

Ang mang-aawit na si David, ay nagsabi, “Sa halip, ang iyong kaloob sa akin ay pandinig ko upang ika'y dinggin” (tingnan Awit 40:6). Ito ay maaring isalin na ang ibig sabihin ay, “Tinanggap niya ako bilang kanyang alipin,” isang paghahambing sa nakaugalian ng mga panginoon na butasin ang tainga sa mga tumatanggi sa inalok na kalayaan (tingnan Exodo 21:6). Sa madaling sabi, “Mayroon butas sa aking tainga na may tatak na ako ay para sa Panginoon, habang buhay at sa walang hanggan.” Hinayaan mo ba ang Espiritu Santo na butasin ang iyong tainga?

Ang tatak ng isang alipin ay ang kanyang paglagak sa kanyang sarili na ibigay ng buo ang kanyang panahon sa paglilingkod sa kanyang panginoon. Walang kataka-taka sa ganitong uri ng pamumuhay. Nagsisimula ito sa pagbibigay ng pangako na ibigay sa Panginoon ang lahat ng makakaya ng ating panahon para kanya at patuloy na ginagawa sa ating pang-araw-araw na buhay!

Hindi ito ngmumungkahi na kailangan tayong umalis sa ating mga hanapbuhay at iaalay na ang buong panahon sa ministeryo. Marami sa panahong ito ay umaalis sa kalooban ng Diyos ayon sa sariling pananaw, iniiwan ang mga tungkulin sa pangangalaga ng pamilya at “at humayo ayon sa pananampalataya.” Ang higit na mahalaga ay manatili at hayaan ang Panginoon na may mahalagang sandali kung nasaan ka. Ang bagay na ito ay ang paglalagay kay Cristo sa gitna ng lahat, nang sa gayon ang pamilya, ang hanapbuhay, at ang lahat ng bagay ay umiikot sa kanya. Si Cristo ang nagiging tuon ng ating mga isipan at umuubos tayo ng panahon sa kanyang presensiya, nakikinig sa kanyang tinig, sumusubod sa kanyang mga utos.

Ang pagiging alipin ay tungkol sa pag-aalay sa halip na pagkuha ng kaluluwa. Kay Pablo, maari niyang sabihin, “Natiyak ko na wala akong alam tungkol sa ating lahat maliban kay Cristo at siya bilang ipinako sa krus.” Ang aliping ito ay hindi interesado sa paglilingkod na naghihintay ng gantimpala o sariling pakinabang. Ang kanyang pakinabang ay ang kaluwalhatian at karangalan na kanyang ibinibigay sa kanyang Panginoon. Ang tunay na alipin na ibinigay ang buong buhay sa paglilingkod ay tinatakan ni Cristo na may kahalagahan. Madaling makilala ang ganitong alipin sapagkat kita sa kanyang katawan ang tatak ng kanyang Panginoon.

Ano ang nakatatak sa mga alipin sa panahong ito? Ito ay maliwanag na ipinahayag sa Salita bilang isang may tatak na basag, may espiritung nagsisisi na umiiyak dahil sa kabulukang ginawa laban sa kanyang Panginoon. Hindi binubutas ng ating Panginoon ang tainga sa pamamagitan ng balibol, kundi binubugbog ang kanyang puso sa pamamagitan ng martilyo.

“Noon, ang kaluwalhatian ni Yahweh na nasa pagitan ng mga kerubin ay tumaas papunta sa pasukan ng Templo. Tinawag niya ang lalaking nakadamit ng telang lino at may panulat sa baywang. Sinabi niya rito, "Libutin mo ang lunsod ng Jerusalem at lagyan mo ng tatak sa noo ang lahat ng nagdalamhati dahil sa mga kasuklam-suklam na ginawa roon" (Ezekiel 9:3-4).

Ang isa pang tatak ng aliping ito ay ang pagtuli na ginawa na hindi ginamitan ng kamay. Ito ay naglalarawan ng ganap na paghiwalay mula sa sanlibutan at patungo kay Cristo.