Miyerkules, Marso 30, 2011

ANG KASALANAN NG PAKIKILAHOK

Walang ibang makikita sa Lumang Tipan na kasing bigat ng babala ni Pablo laban sa pakikilahok o pakikiisa sa sanlibutan.

“Huwag na kayong makipag-isa sa mga di sumasampalataya. Maaari bang magsama ang katuwiran at ang kalikuan? O kaya'y ang liwanag at ang kadiliman? Maaari bang magkasundo si Cristo at si Belial? Ano ang kaugnayan ng sumasampalataya sa di sumasampalataya? O di kaya'y ng templo ng Diyos sa diyus-diyosan? Hindi ba't tayo ang templong Diyos na buhay? Siya na rin ang maysabi, Mananahan ako at mamumuhay sa piling nila. Ako ang magiging Diyos nila, at sila'y magiging bayan ko” (2 Corinto 6:14-16).

Sa Lumang Tipan, kapag nais ng Diyos na ipahayag ang kapangyarihan ng kanyang presensiya sa harap ng mga makasalanang Egipcio, inihihiwalay niya ang mga tao ng Diyos mula sa mga taga Egipcio.

“Mamamatay ang lahat ng mga hayop ng mga Egipcio, ngunit isa mang hayop ng mga Israelita ay walang mamamatay…Kapag hindi pa siya pumayag, magpapadala ako ng matinding salot sa kanya, sa kanyang mga tauhan at nasasakupan, upang malaman nilang ako'y walang katulad sa buong daigdig” (Exodo 9:4, 14).

Nais ng Diyos na makita ng sanlibutan ang pagkakaiba ng kanyang mga tao na nagmamahal sa kanya at ng hindi nananampalatayang sanlibutan. Nais niya tayong maging halimbawa ng mga naligtas at tagumpay na mga tao, nananalig sa kanyang makapangyarihang kamay na mailigtas mula sa anumang kapahamakan o sa anumang masama.

Ang dahilan ng pakikipaghiwalay mula sa sanlibutan (Egipcio) sa panahong ito ay katulad din noong unang panahon. Ang Diyos ay muling naglagay ng pag-itan sa kanyang mga tao at sa makasalanang panahon, nang sa gayon ang salinlahing ito ay malaman na walang katulad niya na makapagliligtas mula sa sanlibutang ito. Ang makasalanan ng panahong ito ay maaring mayroong higit na pagpapadama ng presensiya ng Panginoon; wala ng iba pang maaring makakuha ng kanilang atensyon. Wala nang iba na makakasugat pa sa kanila na may paghatol sa kasalanan. Ang Espiritu Santo ay naibuhos na, nang sa gayon lahat nang laman ay mapasailalim sa kapangyarihan ng presensiya ni Cristo at mahatulan ng kasalanan, ng kaluwalhatian, at paghuhukom!

Tinutukoy ang kanyang tunay na mga disipulo, sinabi niya, “Hindi sila taga-sanlibutan, tulad ko na hindi rin taga-sanlibutan” (Juan 17:16). Muli, “Kung kayo'y taga-sanlibutan, mamahalin nila kayo, sapagkat kayo'y kabilang sa kanila. Hindi kayo taga-sanlibutan. Sila'y napopoot sa inyo dahil pinili ko kayo” (15:19).

Iniibig ng taga-sanlibutan ang kabilang sa kanila, ngunit hindi tayo taga-sanlibutan. Nawa’y tulungan tayo ng Diyos na matanggap ang ating kakaibang likas na ugali ng pagkakahiwalay at pagkakaiba. Yaon lamang na tunay na hiwalay sa sanlibutan, hiwalay kasama si Cristo, ang may kapangyarihan na mailigtas ito!

“Huwag ninyong ibigin ang sanlibutan o ang mga bagay na nasa sanlibutan. Ang umiibig sa sanlibutan ay hindi umiibig sa Ama” (1 Juan 2:15).