“Ngunit kung ayaw na niyang umalis sapagkat mahal niya ang kanyang asawa't mga anak, gayon din ang kanyang amo” (Exodo 21:5). Walang pag-aalangan para sa aliping ito, walang pagpipilian. Hindi nalagay sa pagdududa ang kanyang pasiya. Ang kanyang panginoon ay lahat na para sa kanya at siya ay nakatali sa kanya na may kasamang walang hanggang pag-ibig. Hindi niya kayang iwan ang kanyang panginoon o ang tahanan nito.
Ang buhay ng aliping ito ay umiikot sa pag-ibig niya sa kanyang panginoon, at, katulad ni Pablo, ang tingin niya sa lahat ng bagay ay “dumi,” na maari niyang makuha ang pagtingin sa kanya ng kanyang panginoon. Siya ang uri na kaya niyang tanggapin ang panglalait kung matutunan ng iba ang pag-ibig ng kanyang panginoon.
Mas mahalaga sa aliping ito ang pagiging malapit niya sa kanyang panginoon kaysa anupamang pagpapala na galing sa mundo. Ano halaga ng kawan ng mga alagang hayop, mga mais, o alak at langis, kung mayroon kang walang hanggang pakikipag-isa at pakisama sa iyong panginoon?
Walang ibang nais iparating ng aliping ito sa atin kundi ito: Sapat na si Cristo! Walang anumang bagay sa sanlibutang ito ang mas mahalagang mawala higit pa sa kanyang presensiya. Hindi maaring ikumpara ang anumang yaman o kaginhawahan ng sanlibutang ito sa isang araw na inubos mo sa kanyang presensiya. Ang kasiyahan sa tabi niya ay higit pa sa kahit anong kasiyahang alam ng tao. Ang makilala siya, ang makasama siya kung nasaan siya, nakaupong kasama siya sa kalangitan ay higit pa sa buhay na ito. Ang maglingkod sa kanya, ang pangunahan niya, ang lumapit at umalis bilang utos niya ay sapat ng buhay na nasa pinakamataas na lugar.
Maari bang ipaalala mo sa akin na ikaw ay anak, at hindi isang alipin? Nang sa gayon ay akin ding ipaaalala sa iyo na si Jesus ay isang Anak na “hindi niya ipinagpilitang manatiling kapantay ng Diyos. Sa halip, kusa niyang hinubad ang pagiging kapantay ng Diyos, at naging katulad ng isang alipin. Ipinanganak siyang tulad ng mga karaniwang tao” (Filipos 2:6-7).
Ang matapat na aliping ito na nabasa natin sa Exodo ay naniniwala na siya ay mayroong isang misyon sa buhay, at yan ay ang maglingkod sa kanyang panginoon. Hindi niya ginagampanan ito dahil sa kanyang mamanahin, kahit na ito ay nakasulat pa., “Ang tusong alipin ay makakahati pa sa mamanahin, ng anak ng kanyang amo kung ito'y inutil” (Kawikaan 17:2). Mas madaling sumunod kung may pag-ibig at mula sa umaga hanggang sa gabi, sa bawat pagbangon, siya ay namuhay na may pagkukusang manilbihan sa kanyang panginoon. Pag-ibig lamang ang nagtutulak sa kanya—walang pagsisisi, walang hamon dahil ito’y katungkulan. Hindi kataka-taka kung bakit nasabi ni Jesus, “Kung iniibig mo ako, susunod ka sa akin.”