Nabasa ko ang isang pahayag na naisulat 150 taon na ang nakakalipas na ginawa ng isang misyonaryo na si George Bowen:
“LAHAT NG KARANASANG PANTAO NG MGA KRISTIYANO AY KAILANGANG ILAGAY SA PAGSUBOK NG KASULATAN.”
Sinasabi niya na, halimbawa, ang ating bang malalim na pangamba ay makayanan ang pagsubok ng Kasulatan? Ang ating bang alanganing pananampalataya ay makayanan ang pagsubok ng Kasulatan? Mayroon bang uri ng pagdududa nakayang tayuan ang katulad na pagsubok?
Kapag ang mga pangyayari ay nakapananaig na at ang pagdududa ay pumasok sa ating mga puso, mayroon tayong layon na mangatuwiran dahilan sa ating mga mahihirap na karanasan. Nararanasan natin ang kirot, lahat ng uri ng pighatiat pagsubok na nakapanlulumo. Ang tanong ay: paano natin nilalabanan ang lahat ng ito? Ang ating bang paglaban dito ay makayanan ang pagsubok ng Kasulatan?
Ano ang hinaharap mo sa iyong buhay ngayon? Suliranin sapananalapi? Walang hanap-buhay? Mabigat na karamdaman?Pagkabalisa? Paano mo dinadala ang lahat ng ito? Ang iyo bang pakikipaglaban ay pumapantay ayon sa kasulatan?
Halimbawa, sinasabi ng Kasulatan, “Ang siyang nag-aalanganin ay katulad ng barko na inihahataw ng malakas na alon.”Nadaanan mo ba ang Kasulatang ito at patuloy pa ring nag-aalangan dahil sa nakasisindak na karanasan?
Nag-alangan ako ng maraming ulit nang ang karanasan ko ay nagmistulang wala ng pag-asa, ngunit higit pa akong nagtiwala sa Espiritu Santo upang sumang-ayon ang aking karanasan sa pagsubok ng Kasulatan. Dinaig ng Kasulatan ang lahat ng karanasan.
Tulungan nawa tayo ng Diyos para masubok ang ating damdamin sa pamamagitan ng Salita ng Diyos. Itanong mo saiyong sarili, “Ang pagtugon mo ba ay naayon sa Kasulatan? Ang aking bang emosyon ay kayang tapatan ang Salita? Kunghindi, manalangin ng lakas para matanggap ito at makagawa ng pagbabago.
Manatili sa pananampalataya!