“Ang kanang kamay mo, Yahweh'y makapangyarihan, dinudurog nito ang mga kaaway” (Exodo 15:6).
Bagaman alam ng ilang Kristiyano na sila ay pinatawad na at ligtas, ay kulang pa sa kaisipan nila ang kapangyarihan laban sa laman. Hindi sila nakaabot sa kaalaman ng “ganap na kaligtasan” mula likas na kasalanan. Mga Kristiyano, sa pamamagitan ng kanyang dugo ay iniligtas niya tayo, at sa pamamagitan ng kanyang makapangyarihang kamay ay pinuksa niya ang kapangyarihan ng kasalanan sa atin. Ang kasalanan ay namamahay pa rin, gunit hindi ito ang nasusunod!
“Iniligtas mula sa pagkaalipin sa pamamagitan ng kapangyarihan kanyang kamay.” Isa itong kamangha-manghang nakapagpapalakas-loob na pananalita sa mga panahong ito na puno ng sama ng loob at hindi kapanipaniwalang lakas na pagpapagal para makalaya sa kapangyarihan ng kasalanan. Gayunman tayo ay lubos pa ring sumasalungat na tanggapin at paniwalaan ang gawain ng kamay ng Diyos. Ito ay salungat sa ating kapalaluan, sa ating sariling paniniwala ng katarungan, sa ating sariling teolohiya, na tanggapin ang katotohanan na ang ating kalayaan mula sa kapangyarihan ng kasalanan ay nanggagaling sa kapangyarihan hindi sa atin. Ngunit tingnan ang ating halimbawa: ang mga Israelita ay humayo na sandatahan, ngunit ang lahat ng pakikipaglaban ay sa Panginoon. “At makikita ng lahat ng narito na makakapagligtas si Yahweh kahit walang tabak at sibat. Kay Yahweh ang labanang ito at ibinigay na niya kayo sa aming mga kamay" (1 Samuel 17:47).
Isinuguro ng dugo ang Israel sa banal na paghuhukom, ngunit ang mataas na kamay ng Diyos ay iniligtas sila mula sa kapangyarihan ng laman. Naranasan nila ang katiwasayan at ito ay ipinagbunyi nila; ngayon kailangan nila ng kapangyarihan! Kapangyarihan na para tapusin na ngayon ang matanda ng kaaway, ang kapangyarihan na magkaroon ng sandata laban sa mga bagong kaaway na darating. Ang lakas ay nasa mataas at makapangyarihang kamay ng Panginoon.
Tayo ay binigyan ng mga dakila at mahalagang mga pangako na higit pa sa mga ibinigay sa Israel. Ipinangako ng Diyos na ililigtas tayo mula sa lahat ng masama at iuupo tayo sa kalangitan kay Jesu-Cristo, malaya mula sa kapangyarihan ng kasalanan.
Ngunit kailangan muna nating kamuhian ang kasalanan—walang pakikipagkasundo, walang mga kompromiso. Alagaan mo ang iyong kasalanan, makipaglaro ka dito, hayaang ,manatili ito, tanggihang wasakin ito—at isang araw magbubunga ito ng isang pinakamasakit na bagay sa iyong buhay.
Do not pray about victory over the sins of the flesh until you have cultivated a hatred for them. God will have nothing to do with our excuses and appeasement. Are you enslaved by a secret sin that causes turmoil and anguish, both physically and spiritually? Do you hate it with a passion? Do you feel God’s holy wrath against it?
Huwag manalangin tungkol nsa tagumpay laban sa kasalanan ng laman hanggang hindi mo naitatanim na kamuhian ito. Hindi pakikialaman ng Diyos ang ating mga dahilan at pananahimik. Ikaw ba ay alipin ng isang lihim na kasalanan na naging sanhi ng kaguluhan ang paghihirap, maging espirituwal at pisikal? Kinamumuhian mo ba ito ng ganap? Nadarama mo ba ang banal na poot ng Diyos laban dito?