Lunes, Marso 14, 2011

LIGTAS SA PAGHUHUKOM

Ang dugo ni Cristo ay naglilinis ng mga kasalanan—ito ay ating pagtatakip sala. Ngunit una sa lahat, ito ang ating katiwasayan. Ito ang paraan ng Diyos para maisiguro sa kanyang sarili ang tao na handa na para sa pagpapalaya. Pakatandaan sa gabi ng Kapaskuhan ang mga Israelitas ay ligtas ngunit hindi pa malaya. Kailangan pa nilang harapin ang Pulang Dagat, ang ilang, ang pakikipagdigmaan sa mga dambuhala, mga nakaharang na mga pader, at kuta ng mga kaaway.

Ako ay kumbinsido na bago ako mapalaban sa mga kapangyarihang saklaw ng mga hari, bago ako makaiwas sa kahalayan at mga tukso (sa ating makabagong dambuhala), kailangang may kaalaman ako sa dugo na ako ay nakasisiguro! Bagaman ako ay hindi pa ganap na malaya, ako ay ligtas na sa paghuhukom. Ang mga kaaway sa laman ay nasa patutunguhan, ngunit tiniyak ng dugo na ako ay isang kawal na may katiwasayan.

Hindi mo kayang labanan ang mga dambuhala, pabagsakin ang mga kuta, o humaharap sa mga nakapananaig na katayuan maliban kung may kasiguruhan ng ganap na kaligtasan sa ilalim ng dugo. Kahit ano pa ang sabihin ng puso ko, kahit na gaano pa kabigat ang aking kasalanan na aking dinadala, kahit na ano pa ang naririnig kong mga bulong, kailangang alam ko, na walang anumang pagdududa, na ako ay ligtas! Hindi ako mapapasailalim sa paghuhukom, sapagkat ang dugo sa pintuan ng aking puso ay matiwasay sa kanyang paningin.

Palagi na lamang nating tinatanong ang ating katiwasayan. Kung ibabase natin ang ating katiwasayan sa ating pag-ibig sa kanya o sa ating sariling mabuting gawa, tayo ay higit na malalagay sa panganib kaysa doon sa mga lumabag sa Batas, dahil sa ilalim ng grasya ay mayroong higit na hinihingi. Kailangang kunin ng Diyos sa ating mga kamay ang katiwasayan nang sa gayon ito ay manindigan sa ganap na habag at grasya na galing sa kanya lamang. Hindi ang ating panata, o ating kabutihan—ngunit sa kanya lamang habag. Ang Pagsunod at panata ay bunga ng ating pag-ibig kay Cristo.

Hindi ang tinapay ang nakapagligtas sa mga anak ng Israel, kundi ang dugo. Walang isa mang Israelita ang “naglabas-pasok” sa katiwasayan dahil sa sariling kamalian. Silang lahat ay ligtas hanggang ang paghuhukom ay lumipas. Ang pagsunod ay kailangang ipahid ang dugo sa haligi ng pintuan. Tayo ay tinawag upang ikumpisal at manalig sa pagtubos ng kanyang dugo.

Hindi hinangad ng Diyos na ang kanyang mga anak ay mabuhay sa pangamba, na may pagkabalisa o pagkakasala. Naghanda siya ng kapahingahan para sa kanila, isang lubos, at ganap na katiwasayan ng dugo ng kanyang sariling minamahal na Anak. Sa pamamagitan ng kanyang kagandahang-loob, sinasabi ng Diyos sa Israel, “Ngayon na nakita ninyo na iniligtas ko kayo at inalis ang pangamba ninyo sa paghuhusga, hayaan ninyong iligtas ko kayo. Iniligtas ko kayo para gawin kayong banal.”

Ang hindi maaring baguhing katotohanan ay, wala nang maari pang idagdag pa sa dugo ni Cristo para gawin kayong matiwasay! Ganap na ikinubli tayo ng dugo, ginawa tayong katanggap-tanggap sa Diyos, at iniligtas tayo sa kanyang poot. Ipinahayag ni Apostol Pablo, “Kaya't sa pamamagitan ng kanyang dugo, tayo ngayon ay napawalang-sala, at tiyak na maliligtas tayo sa poot ng Diyos” (Roma 5:9).