Ang mga sumunod na salita ay ibinigay sa akin mula sa Espiritu Santo. Ito ay para doon sa mga nangangailangan ng kasagutan sa panalangin, doon sa mga nangangailangan ng tulong sa sandali ng kaguluhan, at doon sa mga handa at payag na galawin ang puso ng Diyos ayon sa kanyang Salita:
1. Panghawakan ang ipinagkasundong pangako sa Awit 46:1: “Diyos ang lakas natin at kanlungan, at handang saklolo kung may kaguluhan.” Ang pariralang “nakahanda” ay nangangahulugan ng palagiang nakahanda, madaliang maaabot. Ang pananampalataya ay kailangang mamahinga sa katiyakan na ang Espiritu ng Diyos ay namumuhay sa iyo sa lahat ng oras ng araw at gabi, ng patuloy. At dahil siya ay nananahan sa iyo, nakikinig siya sa bawat pananalangin mo sa isipan at mga daing. Alam natin na kapag nadinig tayo, ipagkakaloob niya ang ating mga kahilingan. Katunayan, uugain ng Espiritu Santo ang langit at lupa para sa kaninumang anak ng Diyos na nagbibigay ng panahon na magbuhos ng kanyang puso sa Ama na hindi nagmamadali sa kanyang presensiya.
2. Basahin at manalig sa Awit 62:5-7. Ito ang dalangin ni David na humipo sa puso ng Diyos. Sinabi ni David, na may kakanyahan, “Tanging sa Diyos lamang ako umaasa; ang aking pag-asa’y tanging nasa kanya. Tanging siya lamang ang Tagapagligtas, ‘Tagapagtanggol ko at aking kalasag. Akin ang tagumpay sa lahat ng oras! Ang kaligtasan ko’t aking karangalan ay buhat sa Diyos, nasa kanya lamang; malakas ko siyang tagapagsanggalang, matibay na moog na aking kanlungan”.
Kapag ikaw ay lubusang umaasa sa Panginoon lamang – kapag huminto kang tumingin sa tao para sa tulong, at magtiwala sa Diyos para sa sobrenatural – walang anuman ang makauuga sa iyo. Walang anumang makauuga sa iyo sa kawalan ng pag-asa. Ipinahayag ni David, “Tanging siya lamang ang Tagapagligtas” (Awit 62:6).
3. Narito ang puso ng lahat ng ito, ang lihim sa umiiral na dalangin na natutunan ng bawat banal sa kabuuan ng kasaysayan: “ANG PAGBUBUHOS NG PUSO SA HARAPAN NG DIYOS. “Magtiwala sa Diyos; sa kanya ilagak ang inyong pasanin na ngayo’y dinaranas; siya ang kublihang sa ati’y lulunas” (Awit 62:8). Si Ana ay ang ating halimbawa. Wala ng pag-asang magkaanak, “ibinuhos” niya ang kaluluwa niya sa Panginoon. At, sinabi ng Kasulatan, “Magkatotoo po sana ang inyong magandang hangarin para sa akin” (1 Samuel 1:18).
Maririnig ng Diyos at sasagutin ka niya kapag nakita niya na ikaw ay pumayag na isara ang tinig ng sanlibutan sa isang panahon. Idaing ang laman ng iyong puso, ibuhos ang iyong kaluluwa sa harapan niya, at magtiwala na sasagot siya. Dumating na ang panahon para sa pagkabali sa harapan ng Panginoon, para sa pananampalataya na isinilang sa pamamagitan ng pagsisisi. Sundin ang mga pamamaraan ng Kasulatan, at maririnig at sasagot ang Diyos.