Biyernes, Hunyo 10, 2011

ANG PANGINOON ANG ATING KAPAYAPAAN

Ang makilala at maniwala sa ugali ng Diyos bilang ipinahayag sa kanyang pangalan ay nagbibigay ng pagkupkop laban sa pagsalakay ng kaaway. Ipinahayag ng Diyos sa pamamagitan ni Hosea, “Nalipol ang aking bayan dahil sa kamangmangan” (Hosea 4:6). Ang pagdamay dito ay ganap na makapangyarihan. Ipinapahayag ng Diyos sa atin na ang magkaroon ng taos na kaalaman tungkol sa kanyang kalikasan at ugali, na ipinahayag sa pamamagitan ng kanyang pangalan ay, isang makapangyarihang kalasag laban sa mga kasinungalingan ni Satanas.

At dinadala tayo nito sa iba pang pangalan ng Panginoon: Jehovah Shalom. Natagpuan natin na ito ay binanggit sa aklat ng Mga Hukom. Dito ipinakita ng Diyos ang sarili niya kay Gideon sa anyo ng anghel (tingnan ang Mga Hukom 6:22-24). Ano ang tunay na kahulugan ng pangalang ito, Jehova Shalom? Bilang pangalan, ang salitang Shalom sa salitang Hebreo ay nangangahulugan ng “pagiging buo, kalusugan, kagalingan.” Ipinakikita nito ang pagiging buo, na may pagsang-ayon sa Diyos at tao, ang pagkakaroon ng magaling na relasyon. Itinuturo din nito ang kalagayan ng pagiging matiwasay—hindi yaong hindi mapakali, mayroong kapayapaan pang-loob man o panglabas, may kapahingahang espirituwal at emosyonal. Sa madaling sabi, ang shalom ay nangangahulugan na kabuuan sa buhay o sa gawain. Bilang pangwatas, ang shalom ay nanganaghulagan na kumpleto o tapos na, o magdulot ng kapayapaan.

Minsan pa ako ay itinulak na magtanong, “Ano ang kinalaman ng partikular na pangalan ng Diyos sa akin at sa iglesya ngayon?”

Hindi maaring paghirapan ang Shalom. Hindi natin matatanggap ang shalom ng Panginoon hanggang sa maunawaan natin, “Na ito ay hindi biro. Ito ang Diyos na aking kaharap, ang lumikha at tagapangalaga ng sansinukob. Paano ko nagagawang balewalain siya? Bakit sinusubok ko pa rin ang kanyang grasya, namumuhay sa mahalay na pita na para bang siya ay bingi at bulag sa aking mga lihim na ginagawa? Nanginginig ka ba sa Salita ng Diyos? Nakahanda ka na bang sundin ang lahat ng sinasabi nito? Kung ganoon, matatanggap mo ang kapahayagan ng Jehovah Shalom. Personal siyang darating sa iyo bilang, “Panginoon, iyong kapayapaan,” pupunuan ang iyong espiritu ng ganap na kapangyarihan laban sa bawat kaaway. Hindi mo maaring paghirapan ang ganitong uri ng kapayapaan; ito ay isang handog na galing sa Diyos.