Miyerkules, Hunyo 22, 2011

SI HESUS AY MAY BALAKIN

“Tumanaw si Hesus, at nakita niyang dumarating ang napakaraming tao. Tinanong niya si Felipe, ‘Saan tayo bibili ng tinapay upang makakain ang mga taong ito? Sinabi niya ito para subukin si Felipe; sapagkat alam ni Hesus ang kanyang gagawin” (Juan 6:5-6). Tinawag ni Hesus si Felipe sa isang tabi, at sinabi, “Felipe, napakaraming tao ang nandito. Lahat sila ay nagugutom. Saan tayo bibili ng tinapay upang mapakain ang mga taong ito? Ano sa palagay mo ang dapat nating gawin?”

Gaano di-kapani-paniwala ang pag-ibig ni Kristo. Alam ni Hesus kung ano ang gagawin niya; sinabi sa atin ng bersong nasa itaas. Gayunman ang Panginoon ay sinusubukang pangaralan si Felipe ng isang bagay, at ang araling iyon na ibinigay ay ibinibigay din sa bawat isa sa atin ngayon. Isipin mo ito: Ilan ang mga nasa katawan ni Krisrto ang gising sa gabi na sinusubukang unawain ang kanilang mga suliranin? Iniisip natin, “Marahil ito ang maaarig gawin. Hindi, hindi…Marahil iyon ang makakayos sa suliranin. Hindi…”

Si Felipe at ang mga apostol ay may mga suliraning iba at hindi lamang tungkol sa tinapay ang kanilang suliranin. Mayroon silang suliranin sa panaderya… suliranin sa pananalapi… at suliranin sa pamamahagi… at suliranin sa sasakyan… suliranin sa oras. Pagsama-samahin mong lahat ito, at mayroon silang suliranin na hindi nila maisalarawang-diwa. Ang kanilang kalagayan ay lubusang hindi –maaari.

Alam ni Hesus mula pa sa umpisa ang tiyak na gagawin niya. Mayroon siyang binabalak. At ito ay katulad ng inyong mga kaguluhan at mga paghihirap sa mga panahon ngayon. Mayroong suliranin, ngunit alam ni Hesus ang buong kalagayan mo. At lalapit siya sa iyo, magtatanong, “Ano ang gagawin natin tungkol dito?”

Ang tamang dapat isinagot ni Felipe ay, “Hesus, ikaw ay Diyos. Walang hindi-maaari para sa iyo. Kaya’t, ibinabalik ko sa iyo ang mga suliraning ito. Hindi na ito sa akin, kundi iyo na.”

Iyan lamang ang dapat na sasabihin natin sa ating Pnaginoon ngayon, sa gitna ng ating mga kagipitan: “Panginoon, ikaw ang gumagawa ng mga himala at isusuko ko na ang lahat ng aking pagdududa at mga kinatatakutan sa iyo. Ipinagtitiwala ko na ang lahat ng kalagayang ito, alam mo na ang gagawin mo sa aking mga suliranin. Nananalig ako sa iyong kapangyarihan.”