Naniniwala ako na kapag ang isang Kristiyano ay may masidhing hangarin para sa isang banal na pamumuhay—kapag ninais niya na ibigay ang lahat niya para sa Panginoon—ay mayroon lamang isang dahilan bakit siya bigong maranasan ang kagalakan ng pagpapala at kalayaan na ipinangako ng nananahang Espiritu Santo. Ang dahilan ay kawalan ng paniniwala. Siguradong hindi magagampanan ni Cristo ang kanyang gawain kapag mayroong kawalan ng paniniwala, kayat walang magagawa ang Espiritu sa buhay natin kapag daladala natin ang kawalan ng paniniwala.
Napakahalaga para sa bawat tagasunod ni Jesus na huwag husgahan ang mga pangako ng Diyos ayon sa mga nakaraang karanasan. Kung itatalaga natin ang ating mga sarili sa kanyang mga pangako—paniniwalaan ang mga ito ng buong katapatan, magtitiwala sa kanya para sa tustos ng pananampalataya, panghawakan ang Espiritu ayon sa kanyang sariling salita—kung ganon ay malalaman natin na ang lahat ay nasa pangangalaga ng Diyos. At kaya nating tumayo sa araw ng paghuhusga, dahil sa pagiging tapat. Hindi natin dapat basta isusuko ang ating pagnanais na pumasok sa kanyang pangakong mga pagpapala.
Mayroong punto sa buhay ko na kailangang kong ipaubaya ang hinaharap kong walang-hanggan sa mga pangako ng Diyos. Determinado akong ipagtiwala sa Salita ng Diyos ang aking buong kaluluwa. Ibinigay ko ang hamong ito sa makapangyarihang Diyos: “Panginoon, paniniwalaan ko na ibinigay mo sa akin ang Espiritu Santo. Naniniwala ako na siya lamang ang makapagpapalaya sa bawat tanikala na gumagapos sa akin. Naniniwala ako na mahihikayat niya ako, pangunahan, bibigyan ng kapangyarihang makapangibabaw. Naniniwala ako na siya ang dahilan kaya ako ay susunod sa iyong Salita. Naniniwala ako na hindi siya lalayo sa akin o hahayaang lumayo ako sa iyo. Hindi ko bibigyan ng hangganan ang iyong Espiritu na nasa akin. Hihintayin ko siya, tatawagin siya—mabuhay o mamatay.”
Sinabi niya sa akin, "Magpahayag ka sa mga kalansay na ito. Sabihin mo: Mga tuyong kalansay, dinggin ninyo ang salita ni Yahweh” (Ezekiel 37:4). Kailangang gawin natin kung ano ang sinabi ng Panginoon kay Ezekiel na gawin—ipanalangin ang Salita ng Diyos. Kailangang ipaalala natin sa Espiritu Santo sa mga pangako ng Diyos sa atin. Kailanganag sabihin natin sa kanya, “Espiritu Santo, ang Amang nasa langit ay nangako sa akin na ilalagay ka niya na ilalagay ka niya sa puso ko—at ibinigay ko ang sarili ko sa pangakong iyan. Magpapahinuhod ako at makikipagtulungan, sapagkat nais kong maging banal. Sinabi mo na ako ay lalakad ayon sa kanyang kalooban at susunod sa bawat salita niya. Hindi ko alam paano paghahandaan gawin iyon—ngunit ipinangako mo, at hindi ka maaaring magsinungaling. Ang lahat ng ito ay nakasulat sa Salita, Espiritu Santo. Kayat, lumapit ka—gampanan mo ang gawain mo sa akin. Ipinagkatiwala ng buong buo ang aking kaluluwa sa pangakong ito.”