Biyernes, Hunyo 3, 2011

SA HARAP NG MGA IMPOSIBILIDAD

Hindi nanghina ang kanyang pananampalataya kahit uugud-ugod na siya, palibhasa'y isandaang taon na siya noon, at ang kanya namang asawang si Sara ay baog. (Roman 4:19).

Ang kakanyahan ng tunay na pananampalataya ay matatagpuan sa talatang ito. Ipinangako ng Diyos kay Abraham na magkakaroon siya ng anak, siyang magiging binhi ng maraming bansa. Kagulat-gulat, hindi nagduda si Abraham sa pangakong ito, kahit siya ay lampas na sa edad na maari pang maging ama. Sa halip, nang matanggap ni Abraham sa Diyos ang mga salitang ito “isina-alang-alang niya ay hindi ang katawan niya … ang patay na sinapupunan ni Sara.”

Sa likas na pag-iisip, ang pangakong ito ay di-maaring maganap. Ngunit binalewala ni Abraham ang ganitong isipin na di-maaari. Ayon kay Pablo, hindi pinag-isipan ng isang iginagalang na matanda kung paano tutuparin ng Diyos ang kanyang pangako. Hindi siya nangatuwiran sa Diyos, “Ngunit, Panginoon, wala na akong binhi na maipupunla. At si Sara ay wala ng buhay sa kanyang sinapupunan para magdalang-itao. Matanda na ang aking asawa para manganak pa. Kaya, paano mo ito gagawin, Panginoon?” Sa halip na bigyang pansin ang ganitong mga katanungan, ay binalewala na lamang niya ang mga ito.”

Sa katunayan ay, kapag ang Diyos ay kumikilos sa paghahanda ng isang pananampalataya na subok na at higit pa sa ginto, ay kanya munang inilalagay sa wala ang lahat ng pantaong pag-aari. Isinasara niya ang lahat ng pantaong pangangatuwiran, nilalampasan ang lahat ng nasa katuwirang kaligtasan.

Ang pananampalataya na nakalulugod sa Diyos ay nagsimula sa lugar ng mga kawalan ng pag-asa. Nangungusap ako dito tungkol sa kawalan ng pag-asa sa lahat ng pantaong-posibilidad. Ito ay lugar na kung saan ang mga balak na gawa ng tao ay nagtatagumpay sa una at pagkapatapos ay mamatay. Ito ay isang lugar na kung saan ang pag-asa ng tao ay nagdadala ng panandaliang lunas at pagkatapos ay mauuwi sa wala, at nakadadagdag pa sa kahinaan.

Ikaw ba’y nakaranas na ng ganitong karanasan? Nangyari na ba sa iyo na wala ka nang pagpipilian pa? Na wala ka nang matawag pa para magbigay ng payo sa iyo. Ang langit ay parang tanso kapag ikaw ay nananalangin, na ang iyong mga kahilingan ay napupunta lamang sa wala.

Ipinahahayag ko sa iyo, na ang Diyos ay kumikilos. Ang kanyang Espiritu ay kumikilos para pigilan kang mag-isip ng kawalan ng pag-asa—na huminto na sa paghahanap ng pamamaraan ng tao—na tigilan na ang pag-iisip kung paano makatatakas sa ganoong kalagayan. Ang Espiriru Santo ay hinihikayat ka, “Tigilan na ang paghahanap ng lunas mula sa tao. At tigilan na ang pag-iisip na wala nang pag-asa ang iyong kalagayan. Ito ay pumipigil sa iyong pananampalataya.”