Lunes, Hunyo 6, 2011

LUBOS ANG PANINIWALA

Hindi nauga ang pananampalataya ni Abraham. Sa halip, “Lubos siyang naniniwala na tutuparin ng Diyos ang ipinangako nito” (Mga taga Roma 4:21). Alam niya na ang Diyos ay nakagagawa mula sa wala. Sa katunayan, ang Panginoon ay lumikha mula sa wala. Isaalang-alang ang nangyari sa Genesis: mula sa wala nilikha ng Diyos ang sanlibutan. Sa isang salita lamang, lumikha siya. At kaya niyang gumawa ng himala para sa atin, mula sa wala.

Kapag ang lahat ay nabigo na—kapag ang lahat ng pamamaraan mo ay nagawa na—iyan na ang panahon para ipagkaloob ang lahat sa Diyos. Panahon na para sa iyo na isuko na ang lahat ng tiwala ng paghahanap ng kaligtasan kung saan saan. At kapag, handa ka nang maniwala, kailangang makita mo na ang Diyos ay hindi isang magpapalayok na nangangailangan ng putik, kundi isang Lumikha na gumawa mula sa wala. At, mula sa wala na mula sa sanlibutang ito sa mga gamit nito, gagawa ang Diyos sa paraan at pagkukunan na hindi abot ng iyong kaisipan.

Gaano ka seryoso ang Panginoon tungkol sa ating paniniwala sa kanya sa harap ng imposibilidad? Matatagpuan natin ang kasagutan sa tanong na ito sa istorya ni Zacarias, ama ni Juan Bautismo. Si Zacarias ay dinalaw ng anghel na nagsabi na ang asawa niyang si Elizabeth, ay manganganak nang isang di-pangkaraniwang sanggol. Ngunit si Zacarias na matanda na ring tulad ni Abraham—ay ayaw maniwala tungkol dito. Ang pangako ng Diyos ay hindi sapat para sa kanya.

Sinagot ni Zacarias ang anghel, “Sinabi ni Zacarias sa anghel, "Paano ko matitiyak na mangyayari iyan? Ako'y matanda na at gayundin ang aking asawa." (Lucas 1:18). Sa madaling sabi, inisip ni Zacarias ang imposibilidad. Sinasabi niya, “Hindi mangyayari ito. Kailangang patunayan mo sa akin paano ito mangyayari.” Hindi ito kapani-paniwala.

Hindi nalugod ang Diyos sa pagdududa ni Zacarias. Sinabi ng anghel sa kanya, “Ngunit dahil sa hindi ka naniwala sa mga sinasabi kong matutupad pagdating ng takdang panahon, ikaw ay magiging pipi. Hindi ka makakapagsalita hanggang sa araw na maganap ang mga ito." (1:20)

Ang mensahe ay mailwanag: Inaasahan ng Diyos na manalig tayo sa kanya kapag nagsalita siya. Kahalintulad, isinulat ni Pedro: “Kaya nga, ang mga naghihirap dahil sa kalooban ng Diyos ay dapat magtiwala sa Lumikha, at magpatuloy sa paggawa ng mabuti. Ang Diyos ay laging tapat sa kanyang pangako. (1 Pedro 4:19, aking italika).