Lunes, Hunyo 20, 2011

ANG KAWALAN NG PAGTITIWALA AT PAG-AALALA

“Kaya’t huwag kayong mabalisa tungkol sa inyong kakainin, iinumin, o daramtin. Sapagkat ang mga bagay na ito ang kinahuhumalingan ng mga taong wala pang pananalig sa Diyos. Alam ng inyong Amang nasa langit na kailangan ninyo ang lahat ng ito” (Mateo 6: 31-32).

Sinasabi ni Hesus na ang pag-aalala—tungkol sa kinabukaan ng ating mag-anak, tungkol sa trabaho, tungkol sa kung paano tayo mananatiling buhay—ay ang uri ng pamumuhay ng mga hindi naniniwala sa Diyos. Si Hesus ay nagsasalita dito tungkol sa mga tao na walang Amang nasa langit. Wala silang alam sa Diyos katulad ng kung paano niya nais na siya ay makilala, bilang isang mapagkalinga, mapagbigay, mapagmahal na Ama sa langit.

Kaya, huwag ninyong ikabahala ang para sa araw ng bukas” (6:34). Sa mga simpleng salitang ito, si Hesus ay nag-utos sa atin, “Huwag alalahanin ang, huwag mag-alala, tungkol sa maaring mangyari kinabukasan. Hindi mo maaring baguhin ang anumang bagay. At hindi ka makakatulong sa pamamagitan ng pag-aalala. Kapag ginawa mo ito, ginagawa mo ito ng parang mga hindi naniniwala sa Diyos” pagkatapos ay sinabi ni Hesus, “Ngunit pagsumakitan ninyo ng higit sa lahat ang pagharian kayo ng Diyos at mamuhay nang ayon sa kanyang kalooban, at ipagkakaloob niya ang lahat ng kailangan ninyo” (6:33). Sa ibang salita, magpatuloy ka sa pag-ibig kay Hesus. Magpatuloy ka pasulong, ibigay ang lahat ng iyong alalahanin sa kanya. Magpatuloy ka sa kapahingahan sa kanyang katapatan. Ang iyong Amang nasa langit ay titiyakin na tutustusan ka sa lahat ng mahahalaga sa buhay.

Iniisip ko kung ang mga anghel ay nalilito tungkol sa lahat ng mga pag-aalala at pagkabagabag ng mga umaangkin na nagtitiwala sa Diyos. Para sa kanila ito ay maaring pagiging hamak, lubhang nakaiinsulto sa Panginoon, na tayo ay nag-aalala na para bang wala tayong mapagkalingang Ama sa langit. Anong mga nakakalitong katanungan ang maaring tinatanong nila sa kanilang mga sarili: “Wala ba silang Ama na nasa langit? Hindi ba sila naniniwala na iniibig niya sila? Hindi ba niya sinabi na alam niya ang lahat ng pangangailangan nila? Hindi ba nila pinaniniwalaan na siyang nagpapakain sa mga ibon at buong kaharian ng mga hayop ay pakakainin at daramitan sila? Paano pa nila nagagawang mainip at mag-alala kung alam nilang na kanya ang lahat ng kapangyarihan, lahat ng kayamanan, at kayang tustusan ang lahat ng pangangailangan ng lahat ng nilikha? Pagbibintangan ba nila ang Amang nasa langit ng pagpapabaya, na para bang hindi siya tapat sa kanyang salita?”

Mayroon kang Ama sa langit. Magtiwala ka sa kanya!