Nang magkasala si Adan, sinubukan niyang magtago sa Diyos. Nang itinanggi ni Pedro si Cristo, natakot siyang humarap sa kanya. Nang tumanggi si Jonas na mangaral sa Nineveh, ang takot niya ay nagtulak sa kanya patungo sa dagat, para makatakas sa presensiya ng Diyos.
Bagay na mas higit na malala kaysa sa kabiguan ay ang takot na kasama nito. Si Adan, Jonas at Pedro ay tumakas palayo sa Diyos, hindi dahil sa nawala ang pag-ibig nila sa kanya, kundi dahil sa natakot sila na ang Diyos ay lubhang nagalit sa kanila para maunawaan sila.
Ang nag-aakusa sa mga kapatid ay naghihintay, na parang isang buwitre, para kahit paano ay mabigo ka. At pagkatapos ay gagamitin nila ang bawat kasinungalingan na nanggagaling sa impiyerno para ikaw ay tuluyang sumuko, para makumbinse ka na ang Diyos ay lubhang napakabanal at ikaw ay lubos na makasalanan para muli kang makabalik. O kaya ay sinadya na ikaw ay matakot na ikaw ay hindi ganap o hindi ka na makaahong muli mula sa iyong kabiguan.
Umabot ng 40 taon para mawala ang takot kay Moses at para muling magamit ng Diyos sa kanyang mga layunin. Kung si Moses, Jacob o David ay nanatiling suko na dahil sa kabiguan, maaring hindi na natin muling maririnig ang tungkol sa mga taong ito. Gayunman si Moses ay muling bumangon para maging isa sa mga pinakadakilang bayani ng Diyos. Hinarap ni Jacob ang kanyang kasalanan, at muling nakipagkasundo sa kanyang kapatid na kanyang dinaya at nakarating sa bagong tugatog ng tagumpay. Si David ay nagtungo sa tahanan ng Diyos, nakatagpo ng kapatawaran at kapayapaan, at nakabalik sa kanyang tinatanging sandali. Natagpuang muli ni Jonas ang kanyang mga hakbang, ginawa ang bagay na dati niyang tinanggihang gawin noong una at nadala ang buong siyudad sa pagsisisi. Si Pedro ay muling nakabangon mula sa abo ng pagtanggi upang pamunuan ang iglesya patungo sa Pentekostes.
Noong 1958, nakaupo ako sa aking maliit na sasakyan at tumatangis; ako ay ganap na bigo, sa aking isipan. Ako ay kahiya-hiyang ipinagtulakan mula sa hukman pagkatapos na sa akala ko ay dinala ako ng Diyos para sumaksi paa sa pitong kabataang mamamatay-tao. Ang pagsisikap kong sumunod sa Diyos at tulungan yaong mga batang pusakal ay parang mistulang pauwi sa kahindik-hindik na kabiguan.
Nanginginig akong iniisip kung gaano ang mawawalang pagpapala kung ako ay sumuko sa madilim na sandaling iyon. Gaano ako kasaya ngayon na itinuro sa akin ng Diyos na humarap sa aking kabiguan at magpatuloy sa sa mga susunod na hakbang na inilalaan niya para sa akin.