Martes, Hunyo 28, 2011

ANG MAHALAGANG BAGAY NA NAKABABAHALA ANG DIYOS

Sa gitna nitong pansalibutang “pagyanig ng lahat ng bagay,” ano ang mahalaang bagay na nakababahala sa Diyos sa lahat ng ito? Ito ba’y ang mga pangyayari sa Gitnang-Silangan? Hindi. Ang Bibliya ay nagsasabi sa atin na ang Ang paninging ng Diyos ay nakatuon sa kanyang mga anak: “Ang may takot sa Diyos, at nagtitiwala sa kanyang pag-ibig ay kinakalinga” (Awit 33:18).

Batid ng Panginoon ang bawat galaw sa sanlibutan, ng lahat ng bagay na buhay. At gayunman ang kanyang pagtingin ay nangungunang nakatuon sa maayos na kalagayan ng kanyang mga anak. Nakapirmi ang kanyang mga mata sa mga kirot at pangangailangan ng bawat bahagi ng kanyang espirituwal na katawan. Sa madaling sabi, anuman ang nakasasakit sa atin ay nakababahala sa kanya.

At upang patunayan ito sa atin, sinabi ni Hesus, “Huwag ninyong katakutan ang pumapatay ng katawan ngunit hindi nakapapatay ng kaluluwa. Sa halip, ang katakutan ninyo’y ang nakapapatay ng kaluluwa at katawan sa impiyerno” (Mateo 10:28). Maging sa gitna ng mga digmaang pandaigdig, ang pangunahing pansin ng Diyos ay hindi sa mga mang-aapi. Ang kanyang pansin ay nakatutok sa bawat kalagayan ng buhay ng kanyang mga anak.

Sinabi ni Hesus sa sumunod na kapitulo: “Hindi ba ipinagbibili ang maya ng dalawa isang pera? Gayunman, kahit isa sa kanila’y hindi nahuhulog sa lupa kung hindi kalooban ng inyong Ama” (Mateo 10:29). Sa panahon ni Kristo, ang maya ay ang karne ng mahihirap at ipinagbibili ng dalawa isang pera. Gayunman, sinabi ni Hesus, “kahit isa sa kanila’y hindi nahuhulog sa lupa kung hindi kalooban ng inyong Ama.”

Ang paggamit ni Hesus sa salitang “nahulog” sa kapitulong ito ay nagpapahayag ng higit pa sa kamatayan ng ibon. Ang pakahulugan nito sa Aramaic ay “magliwanag sa lupa.” Sa ibang salita, “nahulog” dito ay nagpapamalas ng bawat pagtalon na ginagawa ng ibon.

Sinasabi ni Kristo sa atin, “Ang paningin ng Ama ay nasa maya hindi lamang kapag ito ay namatay ngunit maging sa pagliwanag nito sa lupa. Habang natututunan ng maya ang paglipad, nahulog ito mula sa pugad at nagsisimulang tumalon-talon sa lupa. At nakikita ng Diyos ang bawat pagsusumikap nito. Siya ay nababahala sa bawat munting bahagi ng buhay nito.”

At idinagdag pa ni Hesus, “kaya, huwag kayong matakot; higit kayong mahalaga kaysa libu-libong maya” (10:31). Sa katunayan, sinabi niya, “Maging ang buhok ninyo ay bilang na lahat” (10:30). Sa madaling sabi, Siya na lumikha at nagbilang ng lahat na bituin—siyang nakamatyag sa bawat kilos ng kaharian ng Roma, siya na nangangalaga sa pag-ikot ng galaksiya—ang pansin ay nakatuon sa iyo. At itinanong ni Hesus, “Hindi ba mas mahalaga ka sa kanya?”