Isang matagumpay na iglesya ay lumalaki maging sa ngayon, galing sa matinding pagsubok ng pananampalataya. Sa mga huling araw na ito ng iglesya ay nanggagaling mula sa mga mahabang araw ng pagdadalamhati at sa naglalagablab na pugon.
Ang Espiritu Santo ay kumikilos na dinadala ng kanyang mga tao sa isang lugar ngnagbabadyang pagkakabali-bali. Inaakay niya sila sa kapahayagan ng kahinaan sa kanilang sariling mga laman upang maipakita sa kanila na siya ay makapangyarihan. Ang kanyang mga tao ay palapit na sa katapusan ng kanilang mga sarili, ang mga nagmamatigas ay dudurugin, hanggang sa dumating sa kanilang isipan na walang ibang laman kundi, “Sundin ang kalooban mo.” At sa lahat ng ito, sila ay naging ganap na umaasa sa Panginoon lamang.
Ito ba’y naglalarawan ng kalagayan mo ngayon? Marahil ikaw ay lumalakad na kasama si Cristo sa maraming taon na, at hindi mo pa naranasan ang isang pagsubok na katulad ng hinaharap mo ngayon. Ang mga bagay na dumarating sa iyo ngayon ay ganap na dinadaig ka na, mga bagay na Diyos lamang ang may maaring magawa para dito. At natuklasan mo na siya lamang ang maaring makapagligtas sa iyo.
Sa mga sandaling ito, ang Islam ay naghahanda na para sa isang huling banal na pakikidigma upang “sakupin ang buong mundo” para kay Allah. Ang mga kampong pinagsasanayan ng mga Islam ay dumarami sa buong mundo na may mensahe ng pagkamuhi. Gayunpaman ang Panginoon ay may mga taong sinasanay, mga tao na gagamitin niya para harapin ang poot ng sanlibutan. Sinasanay niya at binibigyan ng sapat na gamit ng kanyang mapagmahal na kabutihan at kapayapaan. Ang Diyos natin ay Diyos ng pag-ibig, at hindi siya gagamit ng mga bomba, mga sandata, o mga magpapatiwakal na hukbo, kundi ng mga nakapangingibabaw na mga tao na walang takot na may lakas ng Panginoon ng mapagmahal na kahabagan.
Sa buong sanlibutan, ang mga tao ng dumaranas ng mga paghihirap, kapighatian at pahirap. Nakatitiyak ako na may banal na walang hanggang layunin sa kasidhian ng mga espirituwal atpisikal na pakikipaglaban ngayon na pinagtitiisan ng tunay na katawan ni Cristo. “Siya ay mabuti at kahit kanino’y hindi nagtatangi; sa kanyang nilikha, pagkalinga niya ay mamamalagi” (Awit 145:9).
Ang ating Panginoon ay mayroon nang plano noon pa man. Ang Diyos mismo ay bumaba at nag-anyo sa kondisyon ng isang tao, namuhay kasama ang mga makasalanan. Pinagtiisan niya ang kanilang pagkamuhi, dinanas ang kanilang pagtanggi, hinarap ang mga di maiisip na pagkutya, at sa lahat ng ito hindi siya kailanman nanglaban.
Hindi kailanman nagtatag ng hukbong mandirigma na gumaganti, mga mamamatay na tao na puspos ng poot. Hindi siya gumamit ng anumang mga sandata. Sa halip, pinabagsak niya ang mga moog sa pamamagitan ng kanyang makapangyarihang mapagmahal na kabutihan. Ang Panginoon ay mayroong isa lamang planong pandigma: magiliw, mahabaging pag-ibig. Sa katunayan, ang pag-ibig ang nagtutulak sa lahat ng kanyang gawain sa sanlibutan. “Purihin natin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo, ang mahabaging Ama at Diyos na pinagmumulan ng lahat ng kaaliwan” (2 Corinto 1:3).