Ipinakita ng Diyos sa atin na maari tayong mabuhay ng walang takot. “Walang kasamang takot ang pag-ibig at pinapawi ng ganap na pag-ibig ang anumang pagkatakot…” (1 Juan 4:18). Sa madaling sabi, kung tayo ay mamumuhay sa takot, tayo ay walang malay sa tunay na kahulugan ng dalisay na pag-ibig. Hindi sinasabi ni Juan, “Ang dalisay na pag-ibig para sa Diyos ay nag-aalis ng lahat ng takot,” at hindi niya tinutukoy ang salawahang pag-ibig o hinog na pag-ibig sa mga Kristiyano, na katulad ng mga mungkahi ng ilang mga taga-saling wika. Hindi doon nagmumula ang dalisay na pag-ibig ng mga tunay na mananampalataya.
Katunayan, iniibig natin ang Diyos, isang katunayan na walang kaduda-duda. Ngunit isa-alang-alang kung ano ang sinabi ni Juan tungkol sa dalisay na pag-ibig sa mga naunang kabanata. “Ngunit kung tayo'y nag-iibigan, nasa atin ang Diyos at nagiging ganap sa atin ang kanyang pag-ibig” (4:12, aking italika). Ayon kay Juan, ang unang konsiderasyon ng dalisay na pag-ibig ay ang walang kondisyong pag-ibig para sa ating mga kapatiran kay Cristo.
Ang isang Kristiyano ay maaring magsabi na iniibig niya ang Diyos, na sinusunod niya ang kanyang kalooban, at tapat na ginagampanan ang gawain ng kaharian. Ang ganitong tao ay maaring mananamba o maaring isang nagtuturo ng Salita. Ngunit kung siya ay may sama ng loob o nagsasalita laban sa iba—kung kanyang inilalayo ang sinuman sa katawan ni cristo—naglalakad siya sa kadiliman, at ang espiritu ng kamatayan ay nasa kanya. Ang buhay, ang lahat ng mabuting gawa, ay wala sa ayos sa taong ito. Isa-alang-alang ang sinabi ni Juan sa kanya: “Ang nagsasabing siya'y nasa liwanag ngunit napopoot sa kanyang kapatid ay nasa kadiliman pa” (1 Juan 2:9).
Kung ikaw ay interesado na mabuhay na walang takot, sinabi ni Juan sa atin na may paraan paano magagawa ito. Ang katotohanan, mayroong dalisay na pag-ibig na nag-aalis ng lahat ng takot at ito ang unang hakbang na dapat nating gawin: “Mga minamahal, dahil ganoon kadakila ang pag-ibig ng Diyos sa atin, dapat din tayong magmahalan” (1 Juan 4:11). Oo, kailangan munang harapin natin ang ating pakikipag-ugnayan sa katawan ni Cristo.
Ayon kay Juan tayo ay inutusan na magmahalan sa bawat isa katulad ng pagmamahal ni Cristo sa atin ng sa gayon ay mapadalisay natin ang pag-ibig na iyan sa atin. Ano ang ibig sabihin ng ganitong uri ng pag-ibig? Ito ay higit pa sa pagpapatawad, higit pa dito. Ang ibig sabihin nito ay mapatawad ang lahat ng kasalanan sa atin at iaalay ang ating pakikisama. Kailangan nating pahalagahan ang mga nagkasala sa atin na may katulad na pagpapahalaga sa ibang kasapi ng ating samahan. Kapag hinayaan natin na manatili ang pag-ibig ng Diyos sa atin at pinadalisay tayo, ang lahat ng takot ay mawawala.