Ang napakalaking esirituwal na kabiguan na kasunod ng mala bundok na karanasan ng pagpapala o tagumpay ay pangkaraniwan sa bawat tagasunod ni Jesus. Tinatawag natin ang mga karanasang ito na “tag-tuyot” ngunit ito ay mistulang malalim na pagkakahulog sa espirituwal na kadiliman, isang ganap na pagkakalubog patungo sa isang malaking pagsubok pagkatapos na makilala natin ang espirituwal na hipo ng Diyos.
Matatagpuan natin ang mga tag-tuyot na nagpapahirap sa mga buhay ng mga makadiyos na mga lalaki at babae sa buong Bibliya. Ang mababang panahon sa espiritu ay madalas na dumarating doon sa mga tao na binabalak ng Diyos na gamitin. Katunayan, ito ay pangkaraniwan sa lahat na kanyang sinasanay na maging malalim at malayo na sa kanyang pamamaraan.
Sa iyong pagbabalik tanaw sa iyong sariling tag-tuyot na karanasan, tanungin mo ang sarili mo na kung ang ganitong panahon ay nasundan ng muling pagbabagong Espirituwal sa iyong buhay. Maaring naranasan mo ang sariwang pagkakapukaw, isang taimtim na panalangin, tinatanong ang Panginoon, “Hipuin mo ako, Jesus. Pakiramdam ko ay nanglalamig ako. Alam ko na ang paglilingkod ko sa iyo ay hindi umuusad na ayon sa nararapat. Higit akong gutom na madama ka ng higit pa sa nalalaman ko. At kailangan ko ng sigla para magawa ko ang iyonggawain—para manalangin, iligtas ang naliligaw, magdala ng pag-asa sa mga nawawalan ng pag-asa. Panumbalikin mo ako, Panginoon. Nais kong gamitin mo ako para sa iyong kaharian sa makabuluhang sukatan.”
Dahil ako ay seryoso sa Diyos, ang mga panalangin mo ay nagsimulang tugunin at nagsimulang madinig mo ng maliwanag ang tinig ng Diyos. Ang pagiging malapit sa kanya ay kahanga-hanga, ang sigla mo ay patuloy na lumalago, at nadarama mo ang pagkilos niya sa buhay na lubos na nadarama.
Pagkatapos isang araw, nagising ka at ang langit ay nagmistulang tanso. Bumagsak ka at hindi mo alam kung bakit. Ang manalangin ay nagmistulang pahirap, at hindi mo na naririnig ang tinig ng Diyos katulad ng dati. Ang pakiramdam mo ay nagmistulang namatay na, ang espiritu mo ay natuyot at nawalan ng laman. Kailangan mo na lamang mamuhay sa pananampalataya.
Minamahal, kung ito ay nangyayari sa iyo ay huwag kang matakot! Huwag mong pahirapan ang sarili mo. Alam ko ang kanitong uri ng pagbagsak, mula sa tuktok ng bundok pabulusok sa pinakamalalim, sa mistulang isang saglit lamang. Nangusap si Pedro tungkol dito ng may diin, nagpapayo sa atin na huwag isipin na may kakaibang nangyayari sa atin: “Mga minamahal, huwag na kayong magtaka sa mabibigat na pagsubok na inyong dinaranas na para bang ito’y di pangkaraniwan. Sa halip, magalak kayo sa inyong pakikibahagi sa mga paghihirap ni Cristo upang maging lubos ang inyong kagalakan kapag nahayag na ang kadakilaan” (1 Pedro 4:12-13).
Hinahayaan ng Panginoon na dumating sa atin ang tag-tuyot sapagkat may layunin siya sa ating mga buhay. Kaya magalak at purihin siya, kahit hindi mo nadaramang nais mo itong gawin.