Lunes, Agosto 1, 2011

ANG DIYOS AY MAY BAGONG GINAGAWA

Gaano kadalas ninyong marinig na sinasabi ng Kristiyano, “Ang Diyos ay may bagong bagay na ginagawa sa iglesya”? Ang “bagong bagay” na tinutukoy nila ay maaring tawaging muling pagbabangon, ang pagbuhos, isang pagbisita, o isang pagkilos ng Diyos.

Gayunman kadalasan, ang “bagong bagay” ay madaling mamatay. At kapag ito ay kumupas na, hindi na ito matatagpuan muli. Sa ganitong paraan, pinatutunayan na ito ay hindi galing sa Diyos. Sa katunayan, ang mga Kristiyanong sosyolohiko ay nasundan ang ganitong maraming pagbisita at natuklasan na ang humigit kumulang ng buhay ng ganitong mga pangyayari ay mayroong limang taon.

Sa aking sariling paniniwala ang Diyos ay may ginagawang bago sa kanyang iglesya ngayon. Gayunman ang dakilang gawaing ito ng Espiritu ay hindi matatagpuan sa isang lugar lamang. Ito ay nangyayari sa buong sanlibutan.

Ang Diyos ay hindi magsisimula ng isang bagong bagay hanggang hindi pa natatapos ang luma. Ang simulain ng Bibliya dito, napatunayan na sa mga nagdaang siglo ng kasaysayan ng iglesya, ay matatagpuan sa parehong Tipan at sinasakop ang anumang tunay na pagkilos ng Diyos. Sa pagkakalagay ni Cristo dito, hindi siya maglalagay ng bagong alak sa lumang lalagyan (tingnan ang Marcos 2:22).

Ang simulain ng paglimot sa luma at iangat ang bago ay unang ipinakilala sa Lumang Tipan sa Shilo. Sa panahon ng Hukom, itinatag ng Diyos ang banal na gawain sa lunsod na iyon(tingnan ang Hukom 18:31). Sa Shilo ay kung saan nakatayo ang santwaryo ng Panginoon, ang sentro ng lahat na gawaing pangrelihiyon sa Israel. Ang pangalang Shilo ay nangangahulugan na “na ito ay sa Panginoon.” Ito ay nagpapahayag ng mga bagay na kumakatawan sa Diyos at ipinahayag ang kanyang kalikasan at pagkatao. Nagpahayag ang Diyos sa kanyang mga tao sa Shilo; at doon narinig ni Samuel ang tinig ng Diyos na kung saan ipinahayag ng Panginon ang kanyang kalooban sa kanya (tingnan ang 1 Samuel 1).

Ang Panginoon ay tumigil sa pagpapahayag sa Shilo sapagkat ang saserdote ay naging tamad at naging mahalay sa laman at ang lunsod ay naging tiwali. Sinabi ng Diyos kay Samuel, na may kakanyahan, “Ang Shilo ay naging ganap na nadungisan, hindi na ito kumakatawan sa kung sino Ako. Ang tahanang ito ay hindi na sa akin. Tapos na ako dito.” Kayat umalis na sa santwaryo ang presensya ng Panginoon at isinulat ang “Ikabod” sa itaas ng pintuan, na ang kahulugan ay, “Ang kaluwalhatian ng Panginoon ay umalis na.”

Ganap nang iniwan ng Diyos ang luma ngunit minsan pa, itinatag niya ang bago. Pagkatapos noon, ang templo sa Jerusalem ay kinilala bilang “Tahanan ng Panginoon” at doon nagpahayag ang Diyos sa kanyang mga tao.

“Kaya't kung nakipag-isa na kay Cristo ang isang tao, isa na siyang bagong nilalang. Wala na ang dati niyang pagkatao, sa halip, ito'y napalitan na ng bago” (2 Corinto 5:17).