Huwebes, Agosto 11, 2011

ANG KAYAMANAN SA KALUWALHATIAN!

Hindi mo maaring ihiwalay ang laan ng Diyos mula sa kanyang pag-ibig, na may kinalaman sa masaganang kayamanan na nakalatag sa kaluwalhatian para magamit natin. Binigyan niya tayo ng kaloob para sa bawat krisis sa buhay para matulungan tayong mamuhay na tagumpay sa lahat ng panahon!

Maraming linggo na ako ay nanalangin, “Panginoon, nais kong maunawaan ang puso mo. Hindi ko makuha na ang pahayag ng iyong pag-ibig ay maaring sa iyo lamang manggagaling. Nais ko ng bawat pahayag ng iyong pag-ibig—deretso mula sa puso mo! Nais kong makita ito ng maliwanag para baguhin nito ang paraan ng aking paglalakad kasama ka at sa paraan ng aking pagmiministeryo.”

Habang ako ay nanalangin, hindi ko alam kung ano ang maari kong asahan. Ang pahayag ba ng kanyang pag-ibig ay raragasang darating sa aking kaluluwa na katulad ng nagbabahang kaluwalhatian? Magpapakita ba ito na mistulang isang dakilang pangitain na makapigil hininga? Ito ba ay isang damdamin ng pagiging espesyal para sa kanya—o isang paghipo ng kanyang kamay sa akin na mistulang katotohanan na babaguhin ako nito ng walang hanggan?

Hindi, ang Diyos ay nangusap sa akin sa pamamagitan sa isang simpleng talata lamang: “Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng … kaya't ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak…” (Juan 3:16). Ang kanyang pag-ibig ay nakatali sa kayamanan ng kanyang kaluwalhatian—sa kanyang kabutihang loob ng kanyang pagkakaloob sa atin!

Sinabi ng Bibliya na ang ating pag-ibig para sa Panginoon ay ipinakikita sa pamamagitan ng ating pagsunod sa kanya. Ngunit ang kanyang pag-ibig para sa atin ay ipinakikita sa ibang paraan—sa pamamagitan ng kanyang pagbibigay! Hindi mo siya makikilala bilang isang mapagmahal na Diyos hanggang sa makita mo siya bilang isang mapagbigay na Diyos. Gayon na lamang ang pag-ibig niya sa atin, ginugol niya para sa kanyang Anak na si Jesus ang lahat ng kanyang kayamanan, kaluwalhatian at kabutihang loob ng Ama—at pagkatapos ay ibinigay niya Siya sa atin! Si Cristo ang kanyang handog para sa atin.

“Sapagkat minarapat ng Diyos na ang buo niyang kalikasan ay manatili sa Anak” (Colosas 1:19). “Sapagkat likas kay Cristo ang buong pagka-diyos kahit na siya'y nagkatawang-tao. Kaya't kayo'y ganap na sa pamamagitan ng inyong pakikipag-isa sa kanya, na siyang nakakasakop sa lahat ng kapangyarihan at pamamahala” (2:9-10). Sa madaling sabi, “Sa kanya ay nasa atin ang lahat ng pagkakaloob—lahat ng ating pangangailangan!”
Ilan lamang na mga Kristiyano ang may panahon para ariin ang malayang kanyang inialok. Hindi tayo nagsisikap na makuha ito o ariin ito at ang kayamanan ni Cristo na nakalatag sa kaluwalhatin, hindi kinukuha!

Nakakagulat kung ano ang makakamtam natin kapag natamo natin ang kaluwalhatian! Sa panahong iyon, ipakikita sa atin ng Diyos sa ating lahat ang kayamanan ng kanyang pag-ibig at kung paanong hindi natin nagamit ito.