Lunes, Agosto 29, 2011

ANG MGA ANAK NG DIYOS AY NAKASULAT SA PALAD NG KANYANG KAMAY

Ito ang isa sa pinakapaborito kong Kasulatan:

“Kalangitan umawit ka! Lupa ikaw ay magalak, Gayon din ang mga bundok, pagkat inaaliw nito si Yahweh ang kanyang hinirang, sa gitna ng hirap ay kinahabagan. Ang sabi ng mga taga Jerusalem, “Pinabayaan na tayo ni Yahweh, nakalimutan na niya tayo,” Ang sagot ni Yahweh. Malilimot kaya ng ina ang sarili niyang anak? Hindi kaya niya mahalin ang sanggol na iniluwal? Kung mayroon mang inang lumilimot sa kanyang bunso, ako’y hindi lilimot sa inyo kahit na sandali. Jerusalem hinding-hindi kita malilimot, pangalan mo’y nakasulat sa aking mga palad” (Isaias 49:13-16).

Sinabi ng Diyos ako’y nakasulat sa kanang palad! Ang salitang Hebreo na “nakatato”—iyan ay, hindi napapawi, hindi nabubura. Hindi niya maitutuwid ang kanyang mga kamay na hindi niya ako maaalala!

Minamahal, nais kong tiyakin sa iyo: maaring dumadaan ka sa mga pagsubok at paghihirap. Maaring malayo ka sa inaasahan mo na maging sa Panginoon. Ngunit malalaman mo ang isa pang bagay nang higit pa sa iba: Ikaw ay nakalulugod sa kanya

Isinusulat kita na may pagtitiwala at karunungan sa aking puso, kahit na hindi pa ako dumarating, ginawa niya akong bahagi ng kanyang natitirang lahi. Naniniwala ako ng ganap sa aking puso na ako ay isang marangal na korona, putong sa kanyang kamay, isang kaluguran sa kanyang kaluluwa. Hindi siya galit sa akin—nalulugod siya sa akin!

Makinig sa kahanga-hangang pangakong ito:

“Magbubunyi ako, lubhang magagalak, sa iyong pag-ibig na di-kumukupas, ang pagdurusa ko’y iyong mamamalas, maging suliranin ay batid mong lahat. Di mo itinulot ako sa kaaway, kinupkop mo ako’t iyong iniingatan… Ang pagpapala mo’y iyong ilalaan sa mga anak mong may takot na taglay; kagila-gilalas malasin ninuman, ang pagkalinga mo sa mga hinirang na nangagtiwala sa iyong pagmamahal” (Awit 31: 7-8, 19).

Ibinigay sa iyo ng Diyos ang lahat ng kailangan mo para maging malaya at matagumpay. Nakikita niya ang iyong kalagayan—at nagmamahal siya. Niyayakap ka niya habang tumatatawag ka sa kanya at siya ay nakahanda na dumating para tumulong sa sandaling iyon.